Baka mabuntis agad:Richard, Sarah pang-SPG ang lambutsingan sa IG

Mabuti na lang, Dondon, at ka-text ko kahapon si Raymond Gutierrez at tinanong ko kung what time ang flight nila today nina Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati pa-Istanbul, Turkey, kaya nalaman ko na hindi pala sila sabay ng flight.

The post Baka mabuntis agad:Richard, Sarah pang-SPG ang lambutsingan sa IG appeared first on Abante News Online.

baka mabuntis agadrichard sarah pang spg ang lambutsingan sa ig - Baka mabuntis agad:Richard, Sarah pang-SPG ang lambutsingan sa IG
Richard Gutierrez - Baka mabuntis agad:Richard, Sarah pang-SPG ang lambutsingan sa IG

abante anything goes jun lalin 336x224 - Baka mabuntis agad:Richard, Sarah pang-SPG ang lambutsingan sa IGMabuti na lang, Dondon, at ka-text ko kahapon si Raymond Gutierrez at tinanong ko kung what time ang flight nila today nina Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati pa-Istanbul, Turkey, kaya nalaman ko na hindi pala sila sabay ng flight.

“My flight is at 7:30AM, sina Chard at Sarah, Sunday pa,” sabi ni Raymond.

Eh, kadarating pa lang kasi noong Thursday nina Richard at Sarah (kasama si Zion) from Hong Kong at gusto nila na mas makasama pa ang mga anak (naiwan nga sa bansa si Kai), kaya nag-decide na bukas na lang sila aalis.
Sabi naman ni Sarah nang makausap ko kahapon, sa June 4 ay nandirito na raw sila.

Ang iba pang mga celebrity na pupunta ng Istanbul para sa event doon ng Magnum ice cream ay sina Coleen Garcia (minus husband Billy Crawford), Dani­el Matsunaga, Maggie Wilson, Laureen Uy, Martine Cajucom (cousin ni Isabelle Daza-Semblat), Jessica Wilson (sister of Georgina Wilson-Burnand) at BJ Pascual (kilalang photographer/model).

Going back to Richard and Sarah nga pala, biniro ko ang huli na “SPG” (Strong Parental Guidance) ang picture nila ng una habang nasa bathtub sa Hong Kong at nagki-kiss.

Ang iba naman ay biniro sila na baka masundan kaagad si Kai at ipinaalala nga ni Raymond sa mag-lovey dovey na, “Kai just turned 1” na sinagot ni Sarah ng, “Not happening.”

In fairness, almost five years ang age gap nina Zion at Kai, so posibleng four more years pa saka masundan ang se­cond child nila?

Well…

Ex-Pinoy singer natipuhan si Seo Kang Joon

Successful concert promoter/producer sa US at Canada ang dating singer na si Lerma dela Cruz.

Kung noong bago pa lang siya sa US ay kumakanta siya, naisipan niyang magdala na rin ng Pinoy singers/stars doon.

Lumaki na nga ang business na ‘yon ni Tita Lerma at ngayon ay nasa bansa siya dahil co-producer pala siya sa fan mee­ting wih one of Korean heartthrobs, ang main actor ng “Are You Human,” “Cheese in the Trap,” “The Third Charm,” “Entourage” at iba pa, na si Seo Kang Joon.

Sabi ni Tita Lerma, “He is dubbed as the number three most GOOD looking Korean actor for year 2018-2019.

“He will have a fan meeting at New Frontier Theater at 6:00PM on May 25 (mamayang gabi). Produced by CDM Productions and Berce, LLC.”

Ang bongga, pati Korean actor, pino-produce na rin ni Tita Lerma, huh!

May tickets pa ba sa event na ‘yon mamaya?

“Yes, pero ang price MVP with meet and greet is P8,990. Tapos ‘yung iba they can go to Ticketnet to check kung may mabibili pa sila,” sabi pa ni Tita Lerma.

Madalas nga pala na Star Magic stars ang dinadala ni Tita Lerma sa US at Cana­da at ang last nga niya ay sina Jericho Rosales, Sam Milby at Yen Santos.

Maine, Sylvia nagkaharap na

May isang nagtsika sa akin na finally ay nag-meet na in person sina Sylvia Sanchez at Maine Mendoza.

Masaya nga raw ang mga fan na maka-ArMaine o Arjo Atayde-Maine Mendoza.

Finally, wala na raw makakapagsabing hindi pa ipinapakilala ni Arjo si Maine sa kanyang nanay, huh!

Tinext ko na si Sylvia para tanungin tungkol dito, pero as of this writing, hindi pa sumasagot ang nanay ni Arjo.

Ang tsika nga pala, noong Thursday night nagkakilala in person sina Sylvia at Maine!

The post Baka mabuntis agad:Richard, Sarah pang-SPG ang lambutsingan sa IG appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *