Baho ni Sandra Lemonon ilalantad

Hanggang ngayon ay nag-iingay pa rin si Sandra Lemonon, ang isa sa naging candidate ng Miss Universe-Philippines 2020 na natalo.

The post Baho ni Sandra Lemonon ilalantad first appeared on Abante.

baho ni sandra lemonon ilalantad - Baho ni Sandra Lemonon ilalantad
sandra 3 - Baho ni Sandra Lemonon ilalantad

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 1 1 300x180 - Baho ni Sandra Lemonon ilalantadHanggang ngayon ay nag-iingay pa rin si Sandra Lemonon, ang isa sa naging candidate ng Miss Universe-Philippines 2020 na natalo.

Sasabihin na raw niya kung ano ang nalaman niya, pero komento ng mga netizen, “panis na ang lemonada.”

May nakausap kami tungkol sa nangyaring pageant. In fairness to Sandra, totoo naman daw ang sinasabi nito na hindi sila close ni Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo.

Base sa aming reliable source, sure raw ito na walang anomalya o anything na narinig si Sandra. Maaaring hindi raw magustuhan kung may detractors man ang Miss Universe-Philippines, pero very smooth daw ang nangyaring lahat sa kabila ng pandemic.

As per Sandra and even Michelle Gumabao, dahil mga beterana na nga sa pageant, umpisa pa lang daw, ang dalawa na ang “bumibida” lagi among the contestant.

Mas marami raw pwedeng ilantad kay Sandra sa duration ng pageant.

Ang tanong lang, pag-aaksyahan ba niya ng panahon na ilantad `yon?

***

Myrtle hindi dyowa ng prodyuser

Lucky Charm ang tawag ni Atty. Ferdinand Topacio sa isa sa cast ng pelikulang Mamasapano kay Myrtle Sarrosa.

Bukod sa ipinag-produced ng Borracho Films si Myrtle ng virtual concert nito na naging successful, ilang ulit na binanggit ni Attorney Topacio sa naging press conference para sa movie ang pagmamalaki sa naging virtual concert ni Myrtle. Binanggit na rin nito na sa December 2021, muling ipagpu-produce si Myrtle ng solo concert pero yung regular concert na na may audience.

Dahil sa nakikitang fondness ni Attorney Topacio kay Myrrtle, may nagtanong na rito ng diretso kung bakit daw parang special ang Kapuso sa kanya. Kung may something daw ba.

Natatawa lang ang producer ng Mamasapano movie at saka sinabing, “Friends… Friends lang.”

***

Raymart baon sa utang kay Claudine

Sa naging presscon pa rin ng Mamasapano, nakausap din ng ilang entertainment press ang actress na si Claudine Barretto. Naka- live video ito at sumagot naman sa ilang tanong ng press na ibinato sa kanya.

Cameo role lang ang ginagampanan ni Claudine sa movie, pero sey niya, very proud daw siya sa kanyang bestfriend na si Atty. Topacio nga.

Napag-usapan din ang tungkol sa isyu nila ng dating asawa na si Raymart Santiago. Umabot na ng ilang milyon ang diumano’y dapat na natatanggap ng dalawang anak nila, sina Santino at Sabina, pero tila hindi ito naibibigay.

Ayon kay Claudine, ang amount naman daw na napagkasunduan ay hindi sa kanya galing kung hindi sa judge mismo.

The post Baho ni Sandra Lemonon ilalantad first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *