Bahay puro daga, ipis: Tulfo itinanggi ang P2 bilyon kita sa YT

Nataranta si Mr. Raffy Tulfo nang mabasa niya ang artikulo na nagsasabing bilyonaryo na siya, dahil sa laki ng kita niya sa YouTube.

The post Bahay puro daga, ipis: Tulfo itinanggi ang P2 bilyon kita sa YT first appeared on Abante.

bahay puro daga ipis tulfo itinanggi ang p2 bilyon kita sa yt - Bahay puro daga, ipis: Tulfo itinanggi ang P2 bilyon kita sa YT
120958222 785296848935374 5788167113984357708 n - Bahay puro daga, ipis: Tulfo itinanggi ang P2 bilyon kita sa YT

dondon sermino 9 - Bahay puro daga, ipis: Tulfo itinanggi ang P2 bilyon kita sa YTNataranta si Mr. Raffy Tulfo nang mabasa niya ang artikulo na nagsasabing bilyonaryo na siya, dahil sa laki ng kita niya sa YouTube.

Ang chika nga kasi, umaabot daw ng dalawang bilyon piso ang kita ng Raffy sa loob ng isang taon.

Kaya naloka, nataranta nga siya nang mabasa `yon, habang nag-aalmusal sila ng kanyang misis.

“Ako raw po ay kumikita ng 2 bilyon pesos a years. Halos malaglag ako sa aking kinauupuan, nadura ko ang kape ko.

“Hindi po ako bilyonaryo. Malayo sa katotohanan ‘yan. Never pa akong kumita ng bilyon, eversince sinimulan ko ang YouTube.

“Mula noon hanggang ngayon, pagsama-samahin ang kita ko hindi pa umaabot ng 1 bilyon. Much more 2 bilyon.

“At pagsama-samahin din ang kita ko sa TV 5, as an anchor, commercial endorsements ko, pati na premium ko, mga minuto, na bigay sa akin ng TV5, para ibenta ko, pagsama-samahin yon, wala pang isang bilyon.

“Sa sumulat ng artikulo, thank you. I appreciate it, sobrang bilib niyo sa akin. Pero, wala pong katotohanan.

“Kasi kung ako ay bilyonaryo, 2 bilyon a year, eh, nakita niyo naman lahat, pati staff ko, ako ay umuupa ng isang bahay na up and down, na sobrang luma. Napuntahan ni Alex Gonzaga yon.

“’Yung bahay na `yon, hindi ako makaalis-alis doon.

“Meron akong totoong bahay, pero, pinagiba ko, dahil maraming mabait (mga daga), at makulit (mga ipis). Sinundan kami sa nilipatan kong bahay.

“Hindi ko matapos-tapos ang bahay na `yon, dahil kapos sa budget. At siyempre, mas inuuna ko ang pagtulong na iniisip ko.

“Ako naman, nabibili ko ang mga gusto ko, pero mas inuuna ko ang mga humihingi ng tulong sa akin.

“Yan ang totoong story kung bakit hanggang ngayon ang bahay ko ay hindi matapos-tapos. Sa tinitirhan kong bahay, ang daming mabait, makulit.

“Dalawang sapatos ko ang nginatnat. Marunong pumili dahil magandang sapatos ko nginatngat. Kung ako bilyonaryo, sana lumipat na ako sa Forbes Park, o sa mga subdividsion diyan.

“Yan ba ang bilyonaryo? Tumitira sa rental property na maraming daga, maraming ipis?

“Pero ang point ko lang dito, baka ang BIR, nandiyan na.

“Mas mayaman po sa akin ang ibang YouTuber. Totoo `yan. Makikita niyo ibang YouTuber pinapakita ang mga mansion nila.

“And they deserved it, dahil pinagpaguran naman nila. Kailangan ma-please nila ang kaniang mga subscriber.

“Wala pa akong mansion!” kuwento ni Mr. Tulfo.

Madali raw malaman kung bilyonaryo na siya, dahil may gagawin daw siya na matagal na niyang pangarap.

“Isa pa, malalaman niyo kung bilyon na ang kita ko, matagal ko na tong pangarap. Ang pangarap ko, ngayon namimigay tayo ng pangkabuhayan, pag ako may bilyon-bilyon na, bibili ako ng palengke, at doon ko ilalagay mga walang trabaho na gusto nating tulungan. Libre puhunan.

“Sa kabilang banda, papatayo ako ng eskuwelahan, elementary, high school, ang kita sa palenge, mga uupa, dahil binigyan mo sila ng puhunan, uupa na lang sila, ‘yon ang ibabayad ko sa mga teacher, ang bayad sa upa.

“Sana maging bilyonaryo talaga ako, papatayo ako ng palengke, libre puhunan sa lahat ng mga nangangailangan. At ang eskuwelahan na `yon, piling-pili, dapat deserving talaga. Style US, na pati merienda at lunch, libre rin.

“Pero, hindi pa ako bilyonaryo ngayon!” sabi na lang ni Mr. Tulfo, ang pinakasikat na news anchor ng TV5 ngayon.

Well…

The post Bahay puro daga, ipis: Tulfo itinanggi ang P2 bilyon kita sa YT first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *