Bahay ni Glaiza sa Baler bigay ng dyowang afam?

Maluha-luha si Mommy Cristy Galura sa kuwento niya kung paano nabuo ang perang ipi­nambili nila noon ng townhouse sa Quezon City, at ngayon ay ang multi-million na vacation cum residential house sa Baler, Aurora.

The post Bahay ni Glaiza sa Baler bigay ng dyowang afam? appeared first on Abante News Online.

bahay ni glaiza sa baler bigay ng dyowang afam - Bahay ni Glaiza sa Baler bigay ng dyowang afam?
glaiza 2 1 - Bahay ni Glaiza sa Baler bigay ng dyowang afam?

Maluha-luha si Mommy Cristy Galura sa kuwento niya kung paano nabuo ang perang ipi­nambili nila noon ng townhouse sa Quezon City, at ngayon ay ang multi-million na vacation cum residential house sa Baler, Aurora.

Ayon nga sa kanyang tsika nang makasama namin siya sa Symply G Hair and Skin Care digital shoot ng kanyang anak na ginanap sa Baler Surfing Beach, talaga raw lahat ng na-acquire ni Glaiza ay puro sa pagsusumikap nito simula nang mabigyan siya ng projects sa GMA at mga raket sa out of town and out of the country.

Siguro nga raw kung hindi sila naging masinop na mag-asawa para ayusin ang mga kinikita ng kanilang anak, baka walang ganitong properties ang kanilang anak at na­ngunguparahan pa rin sila katulad ng dati.

Ayon nga sa kanya, sa bawat project at raket me­ron ang Primera Kontrabida ng Kapuso network, talaga raw malaking halaga ang itinatabi nila dahil nga sa kanilang goal na ma­kabili ng sariling bahay.

Matapos nilang mabayaran ang town house, sunod nilang plinano itong sa Baler dahil mahilig na raw si Glaiza sa beach. Nakakalula raw ang presyo ng bahay nito dahil hindi naman sila mayaman, pero nang ipinangako ni Glaiza na pagususumikapan nito ang pambili ay hindi na sila nagdalawang-isip pang bilhin ito in installment basis, pero unti-unti na nilang nairaraos.

Nagpalagay sila ng extended house na ginawa nilang bed and breakfast para sa gustong mag-arkila na beach lovers na pumupunta sa Baler.

Under construction na rin ang isang family swimming pool at fitness gym na parerentahan din nila at isusunod na nila ang isang cafe.

Ayon kay Mommy Cristy, nagpapasalamat nga raw siya at hindi magimik na tao ang kanyang anak, kaya talagang nakakapundar ito. ‘Yung hilig nito sa pagta-travel ay pinag-iipunan din muna nito bago ito lumarga.

Kaya huwag na huwag niyong iisipin na bigay ng dyowang afam ang mga ari-arian ni Glaiza, ha! Hindi mangyayari ‘yon.

Isa pang 3 hectare property ang gustong bilhin ng Kapuso actress na gagawin pa rin nitong pang-negosyo kapag nabili na nila ito.

The post Bahay ni Glaiza sa Baler bigay ng dyowang afam? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *