Bahay ni Bea dinumog sa YouTube

Namamayagpag ngayon sa YouTube si Bea Alonzo, isang pagpapatunay na nanatiling sikat ang aktres at intresado pa rin ang mga netizen sa kanyang personal life.

The post Bahay ni Bea dinumog sa YouTube first appeared on Abante.

bahay ni bea dinumog sa youtube - Bahay ni Bea dinumog sa YouTube
Bea Alonzo 1 - Bahay ni Bea dinumog sa YouTube

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Bahay ni Bea dinumog sa YouTubeNamamayagpag ngayon sa YouTube si Bea Alonzo, isang pagpapatunay na nanatiling sikat ang aktres at intresado pa rin ang mga netizen sa kanyang personal life.

Sa kauna-unahang pagkakataong nag-poste si Bea sa sarili niyang YouTube channel ng kanyang bahay, agad-agad nga itong tumabo nang mahigit isang milyon na view. At `yon ay sa loob lamang ng isang araw.

Ibinahagi ni Bea sa Instagram ang naramdaman bago pa siya nag-decide na ipakita sa madla ang kabuuan ng kanyang bahay, kasunod ang kasiyahan niya sa tagumpay ng pagbukas niya sa publiko na masilip ito.

“Never picture myself as one to share my home to everyone but thank you for appreciating what I have done to it through the years and for loving my little art collection. This is how u channel my creative energy, fixing my house and making sure I feel comfortable living in it; as I’ve said before, it is sanctuary, and I try my best to take care of it because, for me, it is a reflection of how i take care of myself. You made my heart happy today after discovering that it hit 1MILLION VIEWS in just 24 hrs! You guys are fantastic!” chika ni Bea.

Sa patikim ni Bea sa Instagram teaser ng vlog niya, nagpapakita na ng isang moderno at napakagandang structure-design ng bahay pati na ang mga furniture, displays, color theme at kung anu-ano pa, kaya nagkainteres ang netizen na tutukan ang vlog nya.

May part 2 ang vlog ni Bea na dapat abangan.

***

Gladys type talbugan si Juday

Humanay na ang magasawang Gladys Reyes at Christopher Roxas sa mga sikat na celebrity na may mga rest house sa labas ng NCR.

Kung sina Derek Ramsay, Gerald Anderson, Judy Ann Santos-Ryan Agoncillo, Enrique Gil ay nasa tabing dagat ang mga rest house, ang kina Gladys at Christopher naman ay sa bundok na matatanaw ang dagat ng Anilao, Batangas.

Kung location ang pag-uusapan puwedeng kabugin ng mag-asawa ang mga nabanggit na mga kapwa star. Ibinahagi ni Gladys sa kanyang Instagram ang video na nagpapakita ng lot area na binili nila sa bundok para sa pinaplanong pagtatayuan ng kanilang rest house.

“Muhon day, putting landmark or boundary stories on the lot near Anilao Batangas that my husband @christopherroxas and sis in law Claire, bought. Overlooking the beach and mountain view, indeed breathtaking…” sabi ni Gladys.

Wala pang structural design na naiisip ang mag-asawa sa ninanais na bahay, dahil siguradong malaki ang halagang kakainin para lang makapagpatayo ng magarang bahay sa bundok na ganito.

***

Jinri Park nalosyang sa Australia

Hindi na matutuloy ang inaasam na kasal ni Jinri Park sa Pilipinas gaya sa nauna niyang plano. Sa Australia na pinaplano ni Jinri ang kasal nila ng kanyang jowang Pinoy, kung saan sila ngayon naninirahan.

Nagposte ang Korean model sa Instagram ng throwback photo nila ng pamilya niya sa Korea. Sinabi niya sa caption ang asam niyang matapos na ang pandemya para makapunta ng Australia ang buo niyang pamilya para sa kanilang wedding.

Nauna na ngang ikinasal sa civil ang dalawa bago pa magpandemya o lockdown sa Pilipinas.

Ibang-iba ang buhay ni Jinri sa Australia na malayo sa glamorosang buhay niya sa Pilipinas bilang celebrity-model.

Madalang na lang makapag-ayos si Jinri, na nagpapakita ng kanyang sex symbol status. May mga nagkomento na mukhang nalosyang na raw ito sa Australia.

May dahilan naman kung bakit hindi na palaayos ng sarili si Jinri, dahil dalawa ang trabaho niya sa Australia at nagtuturo pa siya ng ‘jijitsu’ (martial arts) doon.

Pero siyempre, kahit ano pa ang sabihin ng iba, maganda at seksi pa rin si Jinri.

The post Bahay ni Bea dinumog sa YouTube first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *