Baguhang aktor sinindak ni Sharon

Hindi nakalusot kay Sharon Cuneta ang ten-minute short film na “Vesuvius”. Tungkol ito supposedly sa aparisyon ni Virgin Mary.

The post Baguhang aktor sinindak ni Sharon appeared first on Abante News Online.

baguhang aktor sinindak ni sharon - Baguhang aktor sinindak ni Sharon
ABANTE sharon - Baguhang aktor sinindak ni Sharon

abante i know better jun nardo 336x224 - Baguhang aktor sinindak ni SharonHindi nakalusot kay Sharon Cuneta ang ten-minute short film na “Vesuvius”. Tungkol ito supposedly sa aparisyon ni Virgin Mary.

“Walang dayalog. Ten minutes siya. Natakot ako. Grabe ‘yung ga­ling ni Direk (Erik Matti). It’s on Netflix,” paha­yag ni Sharon sa presscon ng u­nang all out horror film niyang “Kuwaresma” mula sa Reality Entertainment at Globe Studios.

Certified horror fan si Shawie at bumilib sa kanya si Direk Erik na kayang-kaya niyang gayahin ang eksenang exorcism sa foreign film na “The Exorcism”.

Tumodo si Shawie sa movie physically, emotionally at mentally. Ang na­ging hiling niya sa director at Rea­lity bago tanggapin ang pro­ject, eh, manaig ang kabutihan ni Lord sa bandang huli.

Isa sa rebelasyon sa pelikula ay ang bagong artistang si Kent Gonzales na lumabas na anak ng Megastar. Bago ang isa nilang eksena, binigyan ni Shawie ng tension workshop ang bagets. Sinindak niya si Kent para lumabas na natural ang reaksyon sa eksenang gagawin nila.

***
Inaasam ni Dingdong Dantes na makasama si Mikee Quintos sa mahaba-habang series. Nagsama silang dalawa sa “Alias Robin Hood” pero maiksi lang ang naging pagsasama nila.

Dingdong bilib kay Mikee Quintos

Sa recent interview ni Dong sa ArtisTambayan, sinabi niya kay Joyce Pring ang paghanga niya kay Mikee.

“Nakitaan ko siya talaga ng potensyal. Maganda rin ang kanyang working attitude at saka napakagaling,” saad ni Dong.

The post Baguhang aktor sinindak ni Sharon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *