Bagong single ng Ex-B tungkol kay Ai Ai?

Naglabas ng bagong single ang rap group na Ex Battalion titled “Pakinabang”. Labis naman itong ikinatuwa ng loyal fans ng grupo na anila’y hindi bumitaw sa kanila despite the recent controversy na kinasangkutan nila at ng dating manager na si Ai Ai delas Alas.

bagong single ng ex b tungkol kay ai ai - Bagong single ng Ex-B tungkol kay Ai Ai?
aiai 4 - Bagong single ng Ex-B tungkol kay Ai Ai?

Naglabas ng bagong single ang rap group na Ex Battalion titled “Pakinabang”. Labis naman itong ikinatuwa ng loyal fans ng grupo na anila’y hindi bumitaw sa kanila despite the recent controversy na kinasangkutan nila at ng dating manager na si Ai Ai delas Alas.

Noon, iniyakan ni Ai Ai ang aniya’y pagiging pasaway ng grupo na sakit umano sa ulo ang idinulot sa kanya bilang handler nito.

Hindi tuloy maalis sa hinala, pag-iisip ng mga nakakarinig ng bagong kanta ng Ex Battalion na may patama ang rap group para kay Ai Ai. Puno kasi ng hinanakit ang lyrics ng kanta gaya ng “Wala kang pakinabang sa mukha ng nakinabang”.

Relate naman ang mga fans nila sa tema ng kanta at umaasang makakabangon ang grupo mula sa kontrobersiya.

“Pakinabang by ex battalion hits me hard. Pagkatapos ka gamitin wala ka nang pakinabang sa mata ng nakinabang.”

Nakaka-4.2 million views na ang official music video ng “Pakinabang” sa YouTube as of this writing.

Unang nakilala ang Ex Battalion sa phenomenal song nilang “Hayaan Mo Sila.”
Ano nga kaya ang masasabi ni Ai Ai sa bagong kanta ng Ex Battalion? (Jun Lopez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *