Bagong ‘girlalo’ ni Joshua kahawig ni Julia

Ibang level ang ginagawang paghahanda ni Joshua Garcia para sa role niya sa Philippine adaptation ng Korean movie na “Keys to the Heart,” kung saan gaganap siya bilang isang boksingero.

The post Bagong ‘girlalo’ ni Joshua kahawig ni Julia first appeared on Abante.

bagong girlalo ni joshua kahawig ni julia - Bagong ‘girlalo’ ni Joshua kahawig ni Julia
abante joshua julia - Bagong ‘girlalo’ ni Joshua kahawig ni Julia

Ibang level ang ginagawang paghahanda ni Joshua Garcia para sa role niya sa Philippine adaptation ng Korean movie na “Keys to the Heart,” kung saan gaganap siya bilang isang boksingero.

“Naghahanda lang kami. Ngayon nagte-training ako kasi ‘yung character ko dito, medyo ma-muscle. Ibang level na ‘yung gagawin ko next year. Magkakaroon na ng ‘maskels.’

“Excited ako at syempre challenging dahil bagong character ‘to,” sabi ni Joshua sa chikahan nila sa talk show na “We Rise Together” ng Rise Artists Studio.

Excited na raw siyang simulan ang shooting dahil makakasama niya sina Charo Santos-Concio, Zaijian Jaranilla, at Daniela Stranner. Looking forward si Joshua na makatrabaho si Charo lalo na’t first project nila ito na magkasama.

“Gusto ko makita ‘yung kalalabasan ng mga eksena. Nai-imagine ko na. Sana hindi ako maging sakit ng ulo sa set namin kasi nakakahiya naman kay Ma’am Charo. Sobrang excited lang ako. Pati si Zaijian, grabe. Dalawa silang magaling,” sabi pa niya.

Hindi naman pinalampas ng mga manonood ng “We Rise Together” ang pagli-link kina Joshua at Daniel. Kilig na kilig sila sa titigan challenge ng dalawa. Eh, sabi nga nila, ka-awra rin ni Daniela si Julia Barretto.

Anyway, busy ngayon si Joshua sa pag-aaral sa kursong entrepreneurship. Bumida rin siya sa “MMK” kung saan gumanap siya bilang batang si Maro, anak ng mangingisda na nagsumikap sa buhay upang matupad ang mga pangarap. (Dondon Sermino)

The post Bagong ‘girlalo’ ni Joshua kahawig ni Julia first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *