Bagiton Direktor nairita sa tanong ng Reporter

Maliban sa maganda at pasabog na istorya ng “Jowable”, mas lalong humanga ang mga fan sa binitawang pahayag ng direktor ng naturang pelikula na si Darryl Yap nang tanungin ito kung handa na ba siyang makipagtrabaho sa mga “big star” matapos ang tagumpay ng kanyang unang pelikula sa big screen.

bagiton direktor nairita sa tanong ng reporter - Bagiton Direktor nairita sa tanong ng Reporter
director - Bagiton Direktor nairita sa tanong ng Reporter

Maliban sa maganda at pasabog na istorya ng “Jowable”, mas lalong humanga ang mga fan sa binitawang pahayag ng direktor ng naturang pelikula na si Darryl Yap nang tanungin ito kung handa na ba siyang makipagtrabaho sa mga “big star” matapos ang tagumpay ng kanyang unang pelikula sa big screen.

Sinabi nitong medyo na-offend siya sa tanong na iyon dahil naniniwala siyang big star na ang mga artistang gumanap sa kanyang pelikula.

“I’m slightly offended, Kim Molina is a big star; all artists are big stars, nagkakatalo na lang sa quality ng role or story. Let us not be fame-driven. Chad, Cai, Jerald, Candy and Kakai – they are all big stars,” sey ni Darryl.

“#Jowable is just a telescope, the stars were magnified, and that’s what I’m ready to do – make more telescopes,” dagdag pa ni Darryl.

Mas lalong hinangaan ang bagitong direktor sa words of wisdom na narinig nila mula rito. Well, bilang pausbong pa lang sa karera ay hindi na masama ang kanyang tinatamasang milyong kita sa kanyang unang pelikula.

Para naman sa mga masugid na manonood sa series nito sa Facebook, malaki na talaga ang paniniwala nila kay Darryl sa magagandang linyahan na nakukuha nila mula sa nilalabas niyang short films sa FB.

Mabilis ding umakyat sa million ang followers nito sa Facebook nang unang mapansin ang kanyang “Jowable” series. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *