Baby nabubuhat na ni Liza

Mula nang dumating ang aktres na si Liza Soberano noong July 22 galing sa tatlong buwang pananatili sa US, sinasabing magpapahinga muna siya ng dalawang buwan upang makapag-ipon ng lakas para makapagtrabaho.

baby nabubuhat na ni liza - Baby nabubuhat na ni Liza
ABANTE Liza - Baby nabubuhat na ni Liza

Matapos ang operasyon:

Mula nang dumating ang aktres na si Liza Soberano noong July 22 galing sa tatlong buwang pananatili sa US, sinasabing magpapahinga muna siya ng dalawang buwan upang makapag-ipon ng lakas para makapagtrabaho.

Pumunta ang aktres sa US para operahan ang injured right index finger na natamo niya habang ginagawa ang fantaseryeng “Bagani”.

Matatandaang naging espekulasyon kamakailan kung tunay nga bang nagpa-opera ang aktres o buntis ito. Pero bilang patunay na inoperahan talaga si Liza sa daliri, nag-post ito sa instagram niya ng hitsura ng kanyang finger kung saan may tahi pa nga ito.

Kaya naman, usap-usapan ngayon ang picture kung saan kapwa may bitbit na baby o bata ang on screen partner at mag-dyowang Enrique Gil at Liza.

Nanggaling ang naturang litrato mula sa Ins­tagram ng ilan sa mga fan, na pinagsama nito ang magkahiwalay na litrato na may parehas na may kargang bata ang dalawa na tila may dinaluhang binyag.

Well, nangangahulugan nga ba ito na malakas na ulit ang daliri ng aktres dahil kaya na niyang kumarga ng baby? (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *