Baby Archie pinakilala na kina Queen Elizabeth II, Prince Philip

Archie Harrison Mountbatten-Windsor ang buong pangalan ng baby boy ni Meghan Markle na isinilang noong nakaraang May 6.

The post Baby Archie pinakilala na kina Queen Elizabeth II, Prince Philip appeared first on Abante News Online.

baby archie pinakilala na kina queen elizabeth ii prince philip - Baby Archie pinakilala na kina Queen Elizabeth II, Prince Philip
prince - Baby Archie pinakilala na kina Queen Elizabeth II, Prince Philip

Archie Harrison Mountbatten-Windsor ang buong pangalan ng baby boy ni Meghan Markle na isinilang noong nakaraang May 6.

Naipakita na si Baby Archie sa media sa loob ng St. George’s Hall at Windsor Castle habang karga siya ng ama nitong si Prince Harry.

Sey pa ng Duchess of Sussex na si Meghan: “It’s magic, it’s pretty ama­zing. I have the two best guys in the world so I’m really happy.”

Nagbiro naman si Prince Harry sa pagsabi ng: “He has the sweetest temperament, he’s really calm. I don’t know who he gets that from.”

Si Baby Archie ang first mixed-race child born to a senior member of the Royal Family in centuries, and is a ref­lection of modern Britain with its culturally diverse population.

Pinost na ito sa IG account ng royal couple: “The Duke and Duchess of Sussex are pleased to announce they have named their first born child: Archie Harrison Mountbatten-Windsor. This afternoon Their Royal Highnesses introduced Her Majesty The Queen to her eighth great-grandchild at Windsor Castle. The Duke of E­dinburgh and The Duchess’ mother were also present for this special occasion.”

Makikita rin ang photos (in black and white) na ini-introduce si Baby Archie sa mga great grandparents nito na sina Queen Elizabeth II at Prince Philip. Nandoon din ang grandmother nito (na ina ni Meghan) na si Doria Ragland.

Hindi raw conventional royal name ang napili ng duke and duchess para sa kanilang baby boy. Hinuhulaan ng marami na ang pipilin na name ay Alexander, Arthur, James, Philip and Spencer. Pero dahil breaker of tradition ang dalawa, pinili nila ang name na Archie dahil ang ibig sabihin nito ay “ge­nuine”, “bold” , “brave”, and is German in origin. Short for Archibald, it is now given as a name in its own right. It was the 18th most popular name for boys in England and Wales in 2017, accor­ding to the latest available figures from the Office for National Statistics.

Ang Harrison naman ay “son of Harry” ang ibig sabihin.

Ayon pa kina Harry at Meghan, wala silang gagamitin na title sa first born nila. Puwede naman daw itong mabigyan ng title na Earl of Dumbarton or Lord Archie Mountbatten-Windsor pero ang gusto nila ay matawag ito bilang Master Archie Mountbatten-Windsor.

The post Baby Archie pinakilala na kina Queen Elizabeth II, Prince Philip appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *