Babaeng kumandong kay Robin binantaan

robin-padilla

Sunod-sunod ang ‘sumbong’ ng mga fan kay Mariel Rodriguez tungkol sa kumalat na mga photo na may isang babaeng nakakandong sa kanyang asawa na si Robin Padilla. Ayaw ngang tumigil sa comment section ang mga fan na gusto talagang ipakita kay Mariel ang mga kumakalat na litrato ni Robin, na oo nga at may babaeng nakakandong sa aktor.

The post Babaeng kumandong kay Robin binantaan appeared first on Abante News Online.

babaeng kumandong kay robin binantaan - Babaeng kumandong kay Robin binantaan
robin padilla2 - Babaeng kumandong kay Robin binantaan

By Athena Yap

Sunod-sunod ang ‘sumbong’ ng mga fan kay Mariel Rodriguez tungkol sa kumalat na mga photo na may isang babaeng nakakandong sa kanyang asawa na si Robin Padilla. Ayaw ngang tumigil sa comment section ang mga fan na gusto talagang ipakita kay Mariel ang mga kumakalat na litrato ni Robin, na oo nga at may babaeng nakakandong sa aktor.

Base sa kuwento, ang mga larawan na ‘yon ay kuha sa isang bar/resto sa Davao, na kung saan ay kasama nga ni Robin na nangampanya ang isang sikat na politiko. At nu’ng mga oras na ‘yon ay dumagsa nga raw ang napakaraming fan na lahat ay gustong magpa-picture kay Robin.

Sunod-sunod nga raw ang mga babaeng lumapit kay Robin para magpakuha ng picture. Pero, ang babaeng ‘yon nga lang daw ang tila ibang-iba ang ginawa.

Imagine, bigla raw itong sumugod kay Robin, at parang gusto talagang umupo sa kandungan ni Robin. Na tipong siniksik talaga ang sarili niya sa aktor.

Nagulat din ang mga netizen sa caption ng naturang babae, dahil nilagyan niya ito ng ‘my love’. At siyempre, hindi ‘yon nagustuhan ng mga supporter ni Robin.

Para sa kanila ay maling-mali ang inasal ng naturang babae. At ‘yun nga, ginisa ng mga fan ang naturang babae na kumandong kay Robin.

Lumalabas kasi sa post ng naturang babae na parang matagal na niyang kilala si Robin kaya ‘my love’ ang tawag niya sa mister ni Robin Padilla.

Siyempre, malungkot ang ibang mga netizen sa balitang ito, dahil buntis nga naman si Mariel ngayon, tapos ay may mga ganoon na balitang luma- labas. Nakaka-stress raw ito para sa ibang buntis. Dahil dito, bumuhos ang mga pagbabanta sa babaeng ito.

Pero, sa tingin naman ng iba, bagama’t nakita na ito ni Mariel, ay dedma lang siya. Hanggang sa eleksyon kahapon ay si Robin nga ang kasama niya, at masayang-masaya siya na katabi ni Robin. Knowing Mariel, kung talagang nasasaktan siya, magsasalita talaga siya.

Eh ‘yun na nga, happy pa rin si Mariel sa piling ni Robin, at proud na proud nga siya kay Robin bilang mister niya.

So, dedma lang si Mariel sa tsismis, at marahil ay alam niya na bilang artista, sikat na artista ang kanyang mister, kaya hindi nakakaiwas sa mga ganitong pagkakataon.
Teka lang, kung ikaw ba si Robin, kung sakaling gagawa ka ng kalokohan, mag-iiwan ka ba ng ebidensiya? Nagtatanong lang naman.

The post Babaeng kumandong kay Robin binantaan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *