B-day message ni Mommy Min kay Kathryn iniyakan ng mga netizen

Dahil birthday ng teen queen na si Kathryn Bernardo kahapon, March 26, isang nakaka-touch na video clip na mensahe ang ipinakita ng kanyang ina na si Mommy Min sa Instagram.

The post B-day message ni Mommy Min kay Kathryn iniyakan ng mga netizen appeared first on Abante News Online.

b day message ni mommy min kay kathryn iniyakan ng mga netizen - B-day message ni Mommy Min kay Kathryn iniyakan ng mga netizen
kath 3 1 - B-day message ni Mommy Min kay Kathryn iniyakan ng mga netizen

Dahil birthday ng teen queen na si Kathryn Bernardo kahapon, March 26, isang nakaka-touch na video clip na mensahe ang ipinakita ng kanyang ina na si Mommy Min sa Instagram.

Sa naturang video message ni Mommy Min, ikinuwento niya kung paano silang dalawa nag-umpisa sa pag-aartista ni Kathryn. Labing-anim na taon na raw ang nakalipas nang magsimula silang pumila sa mga audition, at hindi raw naging madali ang kanilang tinahak na daan sa pag-aartista ni Kath.

“Thank you for being a good daughter sa’min ng papa mo, a lo­ving sister and a caring tita for Le­xine,” dagdag pa ni mommy Min.

Dahil lagi raw sinasabi ni Kathryn na hindi siya “perfect,” pinaalalahanan o pinayuhan ni Mommy Min si Kathryn na ang kanyang imperfections ay hindi niya flaw, ito pa nga raw ang nagpapaganda sa kanyang anak.

Inihayag pa ng ina ni Kathryn kung gaano ka-proud silang dalawa ng kanyang papa sa aktres.

Emosyonal naman ang mga fan sa naging mensahe ng mommy ni Kathryn para sa 23rd na kaa­rawan ng aktres at siyempre pa, bumuhos din ng pagbati para sa kanilang pinakamamahal na teen queen.

The post B-day message ni Mommy Min kay Kathryn iniyakan ng mga netizen appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *