Ayaw tantanan si Digong: Enchong bobo raw, minura ng DDS

Lantaran na kini-criticize ng Kapamilya actor na si Enchong Dee ang pamahalaan o ang pamumuno ng Presidente ng Pilipinas na si President Duterte.

The post Ayaw tantanan si Digong: Enchong bobo raw, minura ng DDS first appeared on Abante.

ayaw tantanan si digong enchong bobo raw minura ng dds - Ayaw tantanan si Digong: Enchong bobo raw, minura ng DDS
Enchong Dee - Ayaw tantanan si Digong: Enchong bobo raw, minura ng DDS

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Ayaw tantanan si Digong: Enchong bobo raw, minura ng DDSLantaran na kini-criticize ng Kapamilya actor na si Enchong Dee ang pamahalaan o ang pamumuno ng Presidente ng Pilipinas na si President Duterte.

Nag-tweet ni Enchong habang ang marami nating kababayan ay nagdurusa at hindi pa maabot ng rescue operation, lalo na sa Cagayan. Sey niya, “I can responsibly criticize and rant about the incompetence of our public officials while donating and helping our beloved
Filipino brothers and sisters.”

Pero isa na si Enchong sa mga artistang nakatutok ang mga DDS. Kaya ang dami pa rin nam-bash kay Enchong. May tumawag na “bobo” rito at minura pa ang actor.

***

Heart nanghinayang kina Miriam, Gina Lopez

Dalawang icon sa politika at pro-environment ang inalala ng Kapuso star na si Heart Evangelista ngayong nakalubog pa rin sa tubig baha at putik ang bahay at ilang bayan sa bansa.

Kilala ng lahat kung gaano ang closeness ni Heart sa namayapang Senador na si Miriam Defensor-Santiago. Bukod dito, ang kilala rin na environmentalist na si Gina Lopez ang isa sa inalala ni Heart.

Nanghihinayang ito na namayapa na ang mga ito, na ayon sa tweet niya, yung “matatalino” o yung may kaisipan kung paano poprotektahan ang kalikasan, yun daw ang hindi pa nagiging Presidente ng bansa.

Aniya, “Usually the brilliant ones never become President because their “brilliance” goes unappreciated.”

Binigay rin niyang example kung paano, dinenay ang bill na ipinapasa sana ng late Senator na pandemic preparedness bill. Gayundin ang pagbibigay ng warning ni Gina Lopez tungkol sa mga denuded watersheds na nangyayari ngayon.

At sa kanyang paraan naman, ipapa-auction ni Heart ang mga paborito raw niyang designer pieces at lahat ng kikitain ay ido-donate niya sa mga biktima ng sunod-sunod na bagyo.

***

Dingdong, Neil magkasundo sa negosyo

Magkaaway man ang mga karakter nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Neil Ryan Sese sa award-winning series na ‘Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation,’ magkasundo naman ang dalawa sa tunay na buhay lalo na pagdating sa pagnenegosyo.

“Rivals on TV, but tag team (and proud) delivery boys in real life.”

Iyan ang pahayag ni Dingdong o ‘Big Boss’ sa kanyang Instagram post. Nag-deliver sila ng seafood na ibinebenta ni Neil sa pamamagitan ng delivery app na DingDong PH.

“Happy to have delivered fresh seafood from K&G Seafood with Neil Sese today. Ingat tayong lahat sa kalsada sa paparating na bagyo. #YouRingItWeBringIt,” dagdag pa ng Kapuso actor.

Nitong Setyembre ay opisyal nang umarangkada ang delivery business ni Dingdong kung saan katuwang niya ang grupo ng mga displaced worker ng film at TV industry na nagsisilbing mga delivery rider.

The post Ayaw tantanan si Digong: Enchong bobo raw, minura ng DDS first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *