Ayaw pakabog kina Pia, Catriona: Janine Tugonon model ng wear line ni Venus Williams

Magandang balita ang ­ku­malat sa social media tungkol kay Miss Universe 2012 first runner-up Janine ­Tugonon dahil kabilang siya sa mga model na pinili ng tennis superstar Venus ­Williams para maging mo­delo ng kanyang active wear line. Sa Instagram account ni Janine, pinost niya ang isang photo shoot kasama mismo si Venus para sa active wear line na EleVen By […]

The post Ayaw pakabog kina Pia, Catriona: Janine Tugonon model ng wear line ni Venus Williams appeared first on Abante News Online.

ayaw pakabog kina pia catriona janine tugonon model ng wear line ni venus williams - Ayaw pakabog kina Pia, Catriona: Janine Tugonon model ng wear line ni Venus Williams
Abante Janine Tugonon - Ayaw pakabog kina Pia, Catriona: Janine Tugonon model ng wear line ni Venus Williams

Magandang balita ang ­ku­malat sa social media tungkol kay Miss Universe 2012 first runner-up Janine ­Tugonon dahil kabilang siya sa mga model na pinili ng tennis superstar Venus ­Williams para maging mo­delo ng kanyang active wear line.

Sa Instagram account ni Janine, pinost niya ang isang photo shoot kasama mismo si Venus para sa active wear line na EleVen By Venus.
“Got to shoot with a LEGEND @venuswilliams !! Such a memorable shoot for me, went home that day very inspired and empo­wered! Much love @elevenbyvenus #BeAnEleven #elevenbyvenus #venuswilliams,” caption pa ni Janine.

Hindi nag-pursue ng kanyang modeling career sa Pilipinas si ­Janine pagkatapos siyang makipag-compete sa 2012 Miss Universe.

Nag-decide si Janine na ituloy ang kanyang modeling career sa New York.

Si Janine ang kauna-unahang Fili­pina na na-feature sa isang promotional material for Victoria’s Secret. Noong ­nakaraang February 2019, kabilang si ­Janine sa kinuhang model para sa ­fashion brand ng Caracas collection.

Wow, ayaw pakabog ni Janine kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, ha! (Ruel Mendoza)

The post Ayaw pakabog kina Pia, Catriona: Janine Tugonon model ng wear line ni Venus Williams appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *