Ayaw na kay Santino: Zaijian Jaranilla nagladlad

Ang daming pinahanga ni Zaijian Jaranilla nang gumanap siya bilang si Santino sa sikat na Kapamilya seryeng “May Bukas Pa” noong 2009. Pero syempre, sobrang bata pa niya noon at kapapasok lang niya sa showbiz. Pero ngayon, iba na ang gusto ng aktor, at `yon ay mas mature na role.

The post Ayaw na kay Santino: Zaijian Jaranilla nagladlad first appeared on Abante.

ayaw na kay santino zaijian jaranilla nagladlad - Ayaw na kay Santino: Zaijian Jaranilla nagladlad
santino - Ayaw na kay Santino: Zaijian Jaranilla nagladlad

Ang daming pinahanga ni Zaijian Jaranilla nang gumanap siya bilang si Santino sa sikat na Kapamilya seryeng “May Bukas Pa” noong 2009. Pero syempre, sobrang bata pa niya noon at kapapasok lang niya sa showbiz. Pero ngayon, iba na ang gusto ng aktor, at `yon ay mas mature na role.

Kung sobrang inosente niya bilang si Santino, ibang Zaijian ang makikilala natin sa bagong pelikulang pagbibidahan niya na “Boyette: Not A Girl Yet.” Ito ang unang leading role niya sa pelikula at gagampanan niya rito ang isang gay student na papasok na ng kolehiyo.

“Sobrang laki po ng pinagkaiba ni Santino kay Boyette. Iba ‘yung image ko noong si Santino ako noon, kumpara mo kay Boyette na teenager na, na siyempre madaming pinagdadaanan,” kwento ng aktor.
Nais na rin daw niyang magmove-on sa dating niyang karakter kaya swak itong role sa kanya.

“Gusto ko rin pong maalis ‘yung image ko dati, na Santino na kinapitan ng mga tao, gusto ko rin makita nila na kaya ko rin gumawa ng ibang roles. Gusto ko rin po siyempreng ma-challenge ‘yung sarili ko and I’m so happy po na nabigyan ako ng ganitong opportunity,” dagdag niya.

Ayon pa kay Zaijian, dapat abangan ang palabas ng Star Cinema dahil ang daming mahahalagang aral na mapupulot ng mga manonood. (Dondon Sermino)

The post Ayaw na kay Santino: Zaijian Jaranilla nagladlad first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *