Ayaw matulad kay Angel: Denise Laurel insecure sa katabaan

Hindi nag-iisa si Angel Locsin sa mga babaeng lumobo ang katawan ngayong pandemya, dahil ang kapwa Kapamilya artist niya na si Denise Laurel ay tumaba rin ng 30 pounds.

The post Ayaw matulad kay Angel: Denise Laurel insecure sa katabaan first appeared on Abante.

ayaw matulad kay angel denise laurel insecure sa katabaan - Ayaw matulad kay Angel: Denise Laurel insecure sa katabaan
abante denise laurel - Ayaw matulad kay Angel: Denise Laurel insecure sa katabaan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Ayaw matulad kay Angel: Denise Laurel insecure sa katabaanHindi nag-iisa si Angel Locsin sa mga babaeng lumobo ang katawan ngayong pandemya, dahil ang kapwa Kapamilya artist niya na si Denise Laurel ay tumaba rin ng 30 pounds.

Hindi nahiyang ibahagi ni Denise ang paglaki ng kanyang pigura sa short video na pinoste niya sa Instagram. Lumaki ang braso, balakang at iba pang parte ng katawan si Denise sa suot niya.

Inamin niya na nakakaramdam siya ng insecurities dahil sa kanyang katawan. Mula raw sa size na 23/24 ay 28 inches na ang waistline niya.

Ang pahinga ang dahilan kung bakit lumubo si Denise. Pero ‘di gaya ni Angel na nawalan na nang pake na ibalik ang dating alindog, desidido si Denise na magpapayat at bumalik muli sa trabaho.

***

Lea tumaya kay Biden

Si Joe Biden ang kandidato ni Lea Salongan sa eleksyon sa Amerika.

Nag-tweet nga si Lea ng photo na magkasama sila ni Biden na kuha sa Tony Awards.

“Whatever happens we’re with you, @JoeBiden! Such a privilege to meet you at the Tonys! (Photo on the left taken by @victorlirio),” sabi ni Lea.

Barbie tutulong sa mga biktima ng bagyo

Nakipag-team up si Barbie Imperial sa isang grupo sa Bicol para makakalap ng donasyon na itutulong sa mga nasalanta ng bagyong Rolly.

Sa Instagram ibinahagi ni Barbie na siya ay bicolana, kaya awang-awa siya sa kanyang mga kababayan na labis na naapektuhan sa ginawang pananalasa ng nasabing bagyo.

Gagamitin ni Barbie ang socmed at impluwensya para makahingi ng donasyon na ilalaan sa kanyang mga kababayan.

Janine Tugonon inirampa ang dyowang Kano

Ipinangalandakan na nga ni Janine Tugonon sa Instagram ang kanyang American boyfriend. Dalawang larawan na nagpapakita ng sweetness nila ng dyowa ang ipinoste ng modelo.

Bitin lang ang mga fan ni Janine sa IG dahil naka-face mask ang lalake.

Hindi nakita ng mga follower ni Janine nang buung-buo ang mukha ng kasintahan nito, hindi gaya ni Lovi Poe na nakabalandra ang mukha ng boyfriend nito sa tuwing meron silang photo op na dalawa.

Nanay ni Anne inoperahan

Nagpaabot ng malasakit ang mga netizen sa ina nina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith. Nasa Instagram post nito ang larawang nakabenda ang kaliwang paa habang nakasakay sa wheel chair ang nanay ng dalawa.

“Another chapter done, move to the next one pretty soon. Thank you all the nurses and my handsome doctor @dr.Shasha RoshanOrthopaedixSurgeon #SaintVincentPrivateKew Hospital,” sabi ng mommy nina Jasmine at Anne.

Bagamat nakasaad naman sa mensahe na inoperahan si Mommy Carmen pero hindi nito nilinaw kung dahil ba ito sa aksidente kamakailan lang o dati nang injury.

The post Ayaw matulad kay Angel: Denise Laurel insecure sa katabaan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *