Ayaw maging ‘tita’ kay Janella

Anyway, ang “The Killer Bride” nga ang naging tulay, at magiging daan, para maging mas malapit sila ng mga kamag-anak niya sa Salvador clan, sina Jobelle Salvador at Janella Salvador.

The post Ayaw maging ‘tita’ kay Janella appeared first on Abante News Online.

ayaw maging tita kay janella - Ayaw maging ‘tita’ kay Janella
ABANTE janella - Ayaw maging ‘tita’ kay Janella
 
 
Anyway, ang “The Killer Bride” nga ang naging tulay, at magiging daan, para maging mas malapit sila ng mga kamag-anak niya sa Salvador clan, sina Jobelle Salvador at Janella Salvador.
 
Sina Maja at Jobelle ay magpinsan, at si Janella naman ay pamang­kin nila. Ayaw nga lang patawag na tita ni Maja kay Janella.
 
“Ay, subukan mo lang tawagin akong tita. Hahahaha! Ate lang. Ate lang! Hahahaha!” say ni Maja.
 
Ayon pa kay Maja, hindi sila naging malapit sa isa’t isa ni Janella dahil walang pagkakataong nagkasama sila sa isang project nang matagal noon. Bukod pa sa medyo malayo rin ang agwat ng mga edad nila.
 
At sa “The Killer Bride” nga raw ay isa pa lang ang nagiging eksena nila.
“Pero nakakapag-u­sap na kami. Nagkasama rin kami sa workshop kung saan nagkaroon kami ng chance na magkakilala nang husto.”
Desidido si Maja na maging ate ni Janella. Ang usapan nga nila, ay mas magi­ging open sila sa isa’t isa, lalo na sa pagkukuwento sa mga pinagdaraanan nila.
 
Handa ring gabayan ni Maja si Janella sa karera nito sa showbiz, at sa love life nito kung kailangan.
 
Nilili­naw lang ni Maja na hindi pagpapaka-‘nanay’ ang magiging papel niya sa buhay ni Janella dahil meron naman itong ina. 

 

Gusto lang niyang ma-feel ni Janella na may isa pang kadugo niya sa showbiz na nagmamalasakit sa kanya. (Rey Pumaloy)

The post Ayaw maging ‘tita’ kay Janella appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *