Ayaw mag-showbiz: Andres Muhlach sa Spain na titira

Siguradong malulungkot si Aga Muhlach dahil tuloy nga ang lipad ng isa sa kambal niyang anak na si Andres for Spain. Doon na ipagpapatuloy ni Andres ang kursong kinuha niya online.

The post Ayaw mag-showbiz: Andres Muhlach sa Spain na titira first appeared on Abante.

ayaw mag showbiz andres muhlach sa spain na titira - Ayaw mag-showbiz: Andres Muhlach sa Spain na titira
14 1 - Ayaw mag-showbiz: Andres Muhlach sa Spain na titira

Siguradong malulungkot si Aga Muhlach dahil tuloy nga ang lipad ng isa sa kambal niyang anak na si Andres for Spain. Doon na ipagpapatuloy ni Andres ang kursong kinuha niya online.

Dapat ay last year pa lumipad si Andres for Spain, pero dahil nagkaroon ng pandemic kaya hindi muna ito tumuloy.

Gayun din ang twin sister ni Andres na si Atasha na dapat ay sa United Kingdom mag-aaral. Pero malabong matuloy ito this year dahil naka-total lockdown ang UK dahil sa bagong COVID-19 strain.

Sa isang interview ni Aga last year, kung may ikinatuwa raw siya sa pagkakaroon ng lockdown noong 2020, ito ay ang nakasama at naka-bonding niya ang kanyang kambal ng ilang buwan.

Inamin ng aktor na nakakasama lang niya ang kambal tuwing wala siyang trabaho. Noong pandemic ay every day niya itong nakasama kaya nakabawi siya sa mga panahon na sobra siyang naging busy noon.

So, ayaw ngang mag-showbiz ni Andres at mas gusto niyang mag-aral na lang. (Ruel Mendoza)

The post Ayaw mag-showbiz: Andres Muhlach sa Spain na titira first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *