‘Ayaw ko sa’yo!’ Nanay ni pakboy binantaan si Alonzo

Wala yatang planong patayin na ang ­matagal-tagal na rin namang ­pinag-­uusapan at pinagpipiyestahan na ­ghosting issue nina Gerald­ Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto.

ayaw ko sayo nanay ni pakboy binantaan si alonzo - ‘Ayaw ko sa’yo!’ Nanay ni pakboy binantaan si Alonzo
gerald anderson 1 - ‘Ayaw ko sa’yo!’ Nanay ni pakboy binantaan si Alonzo

Ni: Rose Garcia

Wala yatang planong patayin na ang ­matagal-tagal na rin namang ­pinag-­uusapan at pinagpipiyestahan na ­ghosting issue nina Gerald­ Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto.

Yung halos papatay na sana ang isyu, may ­bumuhay na naman at this time, kung hindi kami nagkakamali, sa unang pagkakataon o sa rare moment na magpa-interview ang ina ni ­Gerald at maglabas ng mga saloobin nito.

Obvious na hindi marunong ng showbiz answer ang Mommy ni Gerald na si Mommy ­Vangie Opsina dahil wala itong filter-filter at sinasabi­ kung ano talaga ang nasa kalooban.

Nalaman tuloy na ayaw pala niya kay Bea para sa anak, huh! Buong ningning na sinabi ni Mommy Vangie sa naging interview niya sa TV Patrol South Central Mindanao na pinagdidiskusyunan nila ng anak si Bea dahil ayaw nga raw niya sa dating girlfriend­ ni Gerald.

Sey ng Mommy ni Gerald, “Kahit hindi niya alam… alam mo, nag-a-argue kami ni Gerald laban sa‘yo dahil ayaw nga kita para sa kanya. Ngayon, ito na lang ang gawain mo sa kanya, binabasura mo ang bata, lagi mong pinatatamaan ang anak ko.”

Sabi pa niya, “Ano na ba kasama ang anak ko?”
Sa Mindanao ang interview dahil ang Mommy ni Gerald ay naka-base talaga sa Gen. Santos City.

Bukod kay Bea, hindi rin pinalampas ng ­Mommy ng actor ang make-up artist ni Bea na na may mga masasamang sinasabi raw kay Gerald. ­Bilang ina, hindi na raw niya mapapalampas pa ang mga naririnig at nakararating sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *