Awra nami-miss si Coco

Hindi napigilan na maging emotional ng Kapamilya teen actor na si McNeal Briguela o mas kilala bilang si Awra dahil sa pagkamatay ng kanyang character na si Makmak sa teleserye ng ABS-CBN 2 na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

The post Awra nami-miss si Coco appeared first on Abante News Online.

awra nami miss si coco - Awra nami-miss si Coco
Awra Briguela 1 - Awra nami-miss si Coco

Hindi napigilan na maging emotional ng Kapamilya teen actor na si McNeal Briguela o mas kilala bilang si Awra dahil sa pagkamatay ng kanyang character na si Makmak sa teleserye ng ABS-CBN 2 na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Noong March 26 pa nag-last taping day si Awra sa FPJAP, nataon pa na birthday niya iyon. Pero kelan lang niya kinuwento ang kanyang naramdamang lungkot sa programang “Magandang Buhay.”

Kasi nahihiya akong umiyak sa harap nila. Pero nu’ng time na kinuhaan na binaril ako ay umiyak po ako noon.

“Kasi nasanay po ako na habang lumalaki sa industriya, tumatagal, sila po ‘yung laging nag-a-advice sa akin palagi.

“Tapos kapag may nagiging problema ako, isa rin po sila sa tumutulong na i-solve ang problema ko.

“Kaya ang hirap talaga na mawala sa ‘Ang Probinsyano,’” diin pa ni Awra.

Nagsimula sa FPJAP si Awra noong 2016 at araw din ng kanyang birthday ang first taping day niya.

“Siyempre po, sobra. Noong time kasi na pumasok ako sa ‘Ang Probinsyano,’ first day ko po ay birthday ko po, March 26. Noong last day ko po roon ay birthday ko rin po, March 26.

“So parang sakto 3 years po. Nu’ng time na kinuhaan ako sa loob ng kabaong, nu’ng time na kinuhaan ‘yon birthday ko po at inere rin po,” patuloy na kuwento ni Awra.

Ngayon daw kasi ay hinahanap-hanap pa rin ni Awra ang pagti-taping niya sa FPJAP. Sa kanyang tatlong taon sa show, naging close na raw siya sa lahat ng tao sa set.

“Parang nakakalungkot po kasi parang nakasanayan ko na ‘yung araw-araw kong kasama sa taping tapos hindi ko na sila masyadong makikita, parang sa ibang project na,” pagtatapos pa ni Awra, na naging extra close sa bida ng FPJAP na si Coco Martin.

Bukod kasi sa teleserye, nakasama pa niya si Coco sa mga pelikulang “The Super Parental Guardians” in 2016 at “Ang Panday” in 2017. (Ruel Mendoza)

The post Awra nami-miss si Coco appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *