Atong Ang at Tony may relasyon?

Sa sobrang close umano ni Atong Ang at Tonyboy Cojuangco, maiisip ni Claudine Barrettp na ang dalawa pa ang nagkarelasyon.

atong ang at tony may relasyon - Atong Ang at Tony may relasyon?
atong x tonyboy - Atong Ang at Tony may relasyon?

Sa sobrang close umano ni Atong Ang at Tonyboy Cojuangco, maiisip ni Claudine Barrettp na ang dalawa pa ang nagkarelasyon.

Dagdag niya, sinumang nangtsitsismis kina Gretchen Barretto at Atong ay dapat mahiya kay Tony Boy.

“‘Yun nagkakalat na si Atong at si Gretchen, wow maghiya naman sila kay Dada (Tony Boy Cojuangco). That’s so funny. How can you be together tapos andun si Dada? Ano ba yun?,” usisa ni Claudine sa panayam sa DZMM nitong Martes, Oktubre 22, 2019.

“Sa sobrang close nilang dalawa iisipin ko si Dada at Atong ang may relasyon eh,” sey pa nito.

Kwento pa ni Claudine, family friend na umano ng mga Barretto si Ang, kagaya ng aktor na si Edu Manzano.

Nilinaw din ni Claudine na kaya sila natsismis dahil lagi itong nakabuntot kay Ang at sa dati nitong dyowa na si Nicole Barretto. Pamangkin ni Claudine ang huli.

“Dahil ako ang taga-bantay ni Nicole kasi bata pa siya nun eh,” paliwanag ng aktres.

Una nang nilinaw ni Atong na ang tanging relasyon nito kay Claudine ay nang tumulong ito sa problema ng babae sa anak ng isang mayor.

“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro –‘yun lang ang naging relasyon namin,” ani Ang sa ABS-CBN News.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *