Ate Gay negatibo sa COVID-19

Naospital nga ang komedyanteng si Ate Gay, o Gil Morales sa tunay na buhay, dahil sa ubo, lagnat. Makikita rin sa kanyang mga social media account ang mga photo niya na malamlam ang kanyang mga mata, na ramdam mo nga na may iniinda siya.

The post Ate Gay negatibo sa COVID-19 first appeared on Abante.

ate gay negatibo sa covid 19 - Ate Gay negatibo sa COVID-19
gay - Ate Gay negatibo sa COVID-19

Naospital nga ang komedyanteng si Ate Gay, o Gil Morales sa tunay na buhay, dahil sa ubo, lagnat. Makikita rin sa kanyang mga social media account ang mga photo niya na malamlam ang kanyang mga mata, na ramdam mo nga na may iniinda siya.

Marami ang naghinala na baka coronavirus ang dumapo kay Ate Gay. Kaya nang dalhin siya sa ospital ay agad siyang sumalang sa swab test.

Sa video, ramdam mong kabado si Ate Gay, pero nagpapatawa pa rin.

At kahapon nga, inilabas na ang resulta, at salamat sa Diyos dahil negative siya sa COVID-19.

“Magandang balita. May himala si nega… Tama po negative ako sa COVID-19. Thank you, Lord,” sabi pa ni Ate Gay.
Anyway, mula nga nang magsara ang mga comedy bar ay ang negosyong shomai ang pinagkaabalahan niya. Nagtayo nga siya ng puwesto sa Tondo, na tinawag niyang Shomai Himala.
Stay safe, Ate Gay… (Dondon Sermino)

The post Ate Gay negatibo sa COVID-19 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *