Ate Gay mega tuwad, nagpasilip ng puwet

Ilang minuto pa lang ang nakalipas sa Instagram, FB post ni Ate Gay, libo-libong likes na agad ang hinamig, ha!

ate gay mega tuwad nagpasilip ng puwet - Ate Gay mega tuwad, nagpasilip ng puwet
te gay - Ate Gay mega tuwad, nagpasilip ng puwet

Feeling Nadine:

Ilang minuto pa lang ang nakalipas sa Instagram, FB post ni Ate Gay, libo-libong likes na agad ang hinamig, ha!

Eh kasi naman, nag-ala-Nadine Lustre nga siya. Naglabas siya ng pictorial na kung saan ay gayang-gaya niya ang itsura ni Nadine, na naka-panty o swimsuit, nakababa ang pantalon, at slight nakatuwad.

Yes, Nadine na Nadine nga ang dating niya. At ginawa rin niyang black and white ang photo, na tulad nu’ng mga naunang inilabas na photo ni Nadine.

Nadine Munyo nga ang caption niya sa photo na ‘yon. At ‘yun na nga, super tawanan na naman ang mga fan niya.

“Mabiling mabili ako sa social media… ikaw may kopya ka na ba ni Nadine Munyo…hahaha!” sabi pa ni Ate Gay.

Kanya-kanyang komento nga ang mga netizen, at nagsasabing lakas talagang maka-good vibes ni Ate Gay, ha!

super_diday: “My pasingit c mayora!”

19ellehcim: “Hahahahahhahahahaha bentang-benta sakin toh!”

ms_lei16: “Yung pwet line ang nagdala.”

iam_johnny_jc: “Calendar model @ategay08 sa anong alak kaya to?

ategay08: “@iam_johnny_jc parang vino kulafu haha.”

iam_johnny_jc: “@ategay08 kala ko sioktong.”

andisher21: “@ategay08 pwedeng calendar model ng alak! Lambanog batangas.”

Hahahaha! (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *