Assunta, Fiore super rampa sa Negros

Nasa ancestral house ng pamilya Ledesma sa City of San Carlos, Negros Occidental ang mag-inang Assunta de Rossi at Baby Fiore since December 23, kaya naman nagagawang ipasyal ng aktres ang anak sa malawak nilang bakuran.

The post Assunta, Fiore super rampa sa Negros first appeared on Abante.

assunta fiore super rampa sa negros - Assunta, Fiore super rampa sa Negros
Asunta 1 - Assunta, Fiore super rampa sa Negros

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 1 1 300x180 - Assunta, Fiore super rampa sa NegrosNasa ancestral house ng pamilya Ledesma sa City of San Carlos, Negros Occidental ang mag-inang Assunta de Rossi at Baby Fiore since December 23, kaya naman nagagawang ipasyal ng aktres ang anak sa malawak nilang bakuran.

Two months na nga si Baby Fiore at ayon sa pedia ng bata ay puwede na itong ibiyahe, kaya naman natupad ang wish ni Assunta na sa lugar na ‘yon sila makapag-Christmas.

Doon sila magnu-New Year dahil sa January 14 pa nila balak bumalik ng Maynila.

Actually, kuwento ni Assunta, nauna ng isang araw sa kanya ang mister na si Jules Ledesma sakay ng Air Taxi Philippines (small plane na na-hire nila). Hindi raw sila nagsabay dahil hindi sila kakasya.

Ang kasabay nina Assunta at Baby Fiore sa flight nila ay ang mga anak ni Jules na sina Cristina at Julio Carlos (na parang mga tunay na rin niyang anak kung ituring).

“Isolated muna kami ng 14 days dahil galing nga kami sa Maynila. Pero enjoy naman dahil malaki ‘yung bakuran, kaya naipapasyal ko si Baby Fiore,” sabi ng aktres nang kumustahin ko after Christmas.

***

Annabelle gandang-ganda sa anak ni Jules

Anyway, noong December 16 ay dinalaw namin ni Annabelle Rama ang mag-inang Assunta at Baby Fiore sa kanilang condominium penthouse para kumustahin.

Ang tagal din naming hindi nakita ni Bisaya si Assunta.

The last time na nagkita kami ni Assunta ay noong March 15 (start ng lockdown dahil sa COVID-19) pa.

Saka siyempre, excited kami ni Bisaya na makita si Baby Fiore for the first time.

“Ang ganda-ganda!” sey ni Bisaya nang ipakita sa amin ni Assunta ang kanilang baby.

Pinaghalong Assunta at Jules si Baby Fiore, kaya ang ganda-ganda ng bata.

“Ang tangos ng ilong,” komento pa ni Bisaya.

Ang daming mga advice ni Bisaya kay Assunta pagdating sa pag-aalaga kay Baby Fiore dahil, “Anim yata ang anak ko, kaya ang dami kong experiences sa pag-aalaga ng mga baby!”

Mamayang 2:00PM sa “Anything Goes” show ko sa Abante News Online Facebook page ay mapapanood ang pagdalaw namin ni Bisaya sa mag-inang Assunta at Baby Fiore, pati ang tsikahan namin.

Nakakaaliw ‘yon, kaya panoorin ninyo.

Ka-back-to-back noon ang interview ko naman sa tatay ni Carla Abellana, kay Rey “PJ” Abellana at natanong ko nga sa aktor kung next year ba ay magpapakasal na ang anak kay Tom Rodriguez?

***

Ruffa masaya sa bagong manliligaw

Kung noong Christmas eve ay magkakasama sila sa family house nila sa White Plains, noong Christmas day naman ay sa bahay naman sa Alabang ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati nagpunta ang mag-iinang Ruffa, Lorin at Venice Gutierrez.

Usually kasi ay dumadalaw sila sa bahay ng Tita Mary Ann (sister ni Eddie Gutierrez) sa Cavite, pero dahil nga sa pandemic, naiba na ang routine nila this Christmas.

Kuwento ni Ruffa, sobrang saya ng family bonding nila noong Christmas eve lalo na at kasama rin nila ang lahat ng mga anak ng kuya niyang si Ramon Christopher.

Complete rin silang magkakapatid dahil nasa White Plains house rin nila sina Rocky, Elvis, Richard, Raymond at Ritchie Paul.

Ang saya-saya nga raw lalo na nang bukasan na ng gifts dahil sobrang sasaya ng nephews niyang sina David, Zion at Kai, pati nieces na sina Aria at Ezra.

“Christmas talaga is for the family,” sey ni Ruffa.

Anyway, noong Christmas day ay nag-enjoy siya sa bahay nina Richard at Sarah dahil nakakaaliw raw ang panonood sa pagti-training ng mag-asawa sa kanilang mga parrot.

Ilan na rin kasi ang parrot na alaga ni Richard at pati si Sarah ay sanay na rin sa mga nasabing ibon.

Hindi ako magtataka kung baka pati si Ruffa ay mag-alaga na rin ng parrot sa sobrang aliw sa mga alagang ibon ni Richard, huh!

Mukhang dahil nga pala sa pamilya ay hindi naman malamig ang Christmas ni Ruffa kahit obviously ay wala na ‘yung boyfriend niya.

Pero dahil nga lang ba sa kanyang pamilya o dahil sa isang inili-link din sa kanya?

Well, Dondon (my dear editor), iniimbestigahan ko pa ‘yon dahil tahimik lang si Ruffa tungkol sa bagay na ‘yon.

Well… well… well…

The post Assunta, Fiore super rampa sa Negros first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *