Assunta ‘di matanggihan si Alessandra

Alam mo, Dondon, sinamahan ko noong Thursday si Assunta de Rossi sa ta-ping ng Dok Ricky Pedia sitcom/advocacy show ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. kung saan ay mainstay ngayon ang sister niyang si Alessandra de Rossi.

The post Assunta ‘di matanggihan si Alessandra appeared first on Abante News Online.

assunta di matanggihan si alessandra - Assunta ‘di matanggihan si Alessandra
de rossi - Assunta ‘di matanggihan si Alessandra

abante anything goes jun lalin 336x224 - Assunta ‘di matanggihan si AlessandraAlam mo, Dondon, sinamahan ko noong Thursday si Assunta de Rossi sa ta-ping ng Dok Ricky Pedia sitcom/advocacy show ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. kung saan ay mainstay ngayon ang sister niyang si Alessandra de Rossi.

“Akala ko noong una, sandali lang ako dito sa show, pero matatagalan pang bumalik si Dominic (Ochoa) dahil kumakandidato nga siyang city councilor (Parañaque City),” sey ni Alessandra nang magkita kami sa dressing room.

Sabi ko kay Alessandra, hindi na talaga tumatanggap ng kahit na anong project o guesting si Assunta dahil ayaw na nga ng stress at nagta-try na magbuntis, pero hindi lang talaga siya matanggihan.

“Aba, dapat lang, or else. Hahaha!” sagot ni Alessandra na sinagot din ni Assunta, “Kaya nga hindi na ako tumanggi, tutal, studio lang naman ang taping!”

Sabi naman ng staff, talagang si Alessandra ang nag-request na i-guest doon si Assunta dahil matagal na rin silang hindi nagkakasama sa mga pro-ject.

Sabi ko kay Alessandra, siguradong marami na naman ang magte-text at mag-o-offer ng guesting o regular series kay Assunta once na malaman na nag-guest ito sa show na ‘yon.

Last Friday nga, meron na uling nag-offer kay Assunta, pero sabi ko nga, special case lang ang sa show ni Alessandra dahil hindi siya makatanggi dahil nga sa kapatid.

Siyanga pala, kuwento ng magkapatid sa akin, madalas silang lumalabas at nagba-bonding.

“Madalas din akong pumunta sa bahay ni Alex (palayaw ng kapatid) dahil mahilig siyang magluto at ako ang tagatikim kapag may bago siyang putahe na natutunang lutuin,” sey ni Assunta.

Maaga namang natapos ang taping ni Assunta, kaya that night, nakasama naman namin siya ng manager niyang si Annabelle Rama sa isang dinner.

Kasama ni Assunta ang mister na si Jules Ledesma na minsan lang lumalabas at mas gusto na nasa bahay lang.

Kasama rin namin sa dinner si Eddie Gutierrez, kaya naman tungkol sa kotse ang topic ng usapan namin.

Parehong mahilig sa cars si Assunta at Jules at karamihan ng mga kotse nila ay “his and her” dahil tig-isa nga sila.

Ang latest car nga nila ay Bentley at may ilang Rolls Royce rin sila na sila mismo ang nagda-drive.

That night, Bentley ang dala nila, kaya si Jules mismo ang nag-drive.
Ang bongga!

The post Assunta ‘di matanggihan si Alessandra appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *