Assunta babae ang anak

“Yes, it’s a girl!”

assunta babae ang anak - Assunta babae ang anak
abante assunta - Assunta babae ang anak

“Yes, it’s a girl!”

‘Yan ang dialogue sa akin ni Assunta de Rossi nang magkatsikahan kami kahapon ng madaling araw sa pamamagitan ng Viber app.

Sabi ng aktres, noong Tuesday raw siya nagpa-congenital anomaly scan.

“Actually, sa St. Luke’s na ako nagpunta,” sabi ni Assunta na 6 months and 3 weeks na ang ipinagbubuntis. “’Yun nga, girl nga raw and almost 7 months na rin.”

“Sure na na girl ang baby namin ni Jules (Ledesma, her husband),” kuwento niya.

Sa ngayon, nag-iisip na si Assunta ng ipapangalan sa kanilang baby.

“Ang hirap ding mag-isip. Hindi ko pa alam. I’m asking for suggestions,” sey pa ng misis ni Jules.

At least parang advance birthday gift kay Jules na alam na nila na girl ang ipinagbubuntis ni Assunta.

Bukas ang 60thbirthday ni Jules.

Nabanggit din ng aktres na alam niyang kapag nakapanganak na siya ay magiging spoiled ang baby nila ni Jules kay Alessandra dahil alam niyang sobrang excited na ang kapatid na magkaroon ng pamangkin.

Nagbiro pa nga si Assunta at sinabing, “Mukhang pasaway (ang baby niya), siguro magmamana sa ‘yo. Hahaha!”

Sina Assunta at Alessandra na lang ang nasa Philippines ngayon dahil based sa Martano, Italy ang parents nilang sina Luigi at Nenita Schiavone, pati youngest sister nila na si Isabel at sa Amsterdam naman nagwo-work ang pangatlo sa kanila na si Maggie (Margherita).

***

Tootsie Guevarra sa ‘Anything Goes’

As I write this, Dondon (my dear editor), nagre-ready na ako papunta sa Tustin (a city in Orange, County) dahil iinterbyuhin ko for my Abante News Online show na “Anything Goes” ang former actress/singer na si Tootsie Guevarra.

Nakontak ko si Tootsie dahil sa common friend namin na si Marie Briones-Kalagayan.

Ang sweet nga ni Tootsie dahil nang mag-text ako sa kanya, nag-reply kaagad at kahit puno ang schedule niya dahil ang dami niyang ginagawa, inayos niya ‘yon para matuloy ang interview ko sa kanya.

Isa nga si Tootsie sa mga dating taga-showbiz na hindi nakakalimot sa mga nakasama niya noon.

***

Kumusta na si Chuck Perez?

Isa pang taga-showbiz na iinterbyuhin ko for “Anything Goes” online show ko ay si Chuck Perez. Ang problema lang, taga-San Jose, California si Chuck na medyo malayo nga sa kinaroroonan ko.

Ang suggestion ko kay Chuck, mag-Zoom app interview na lang kami, pero hindi naman pala siya techi, kaya kailangan ko talaga siyang puntahan sa may Bay area.

Sa August ay two years na ang Abante News Online show ko, kaya kina-career ko na ang pag-iinterbyu ng mga dating artista na based dito sa Amerika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *