Asian Baby Girl: Gangster na Julia patok sa YT

Bentang-benta sa YouTube ang Asian Baby Girl transformation ni Julia Barretto, ha! Katunayan, sa loob ng 17 oras ay nag-number 9 sa trending ang episode na ito sa YouTube channel na Just Julia.

The post Asian Baby Girl: Gangster na Julia patok sa YT first appeared on Abante.

asian baby girl gangster na julia patok sa yt - Asian Baby Girl: Gangster na Julia patok sa YT
Julia Baretto - Asian Baby Girl: Gangster na Julia patok sa YT

Bentang-benta sa YouTube ang Asian Baby Girl transformation ni Julia Barretto, ha! Katunayan, sa loob ng 17 oras ay nag-number 9 sa trending ang episode na ito sa YouTube channel na Just Julia.

Well, ang dami ngang naaliw sa bagong look ni Julia, na may bongga at malanding make up, at nilagyan ng sangkatutak na tattoo ang mga braso (of course sticker lang `yon).

Anyway, ang Asian Baby Girl, base sa mga nabasa ko ay mga babae na mahilig sa party, mahilig sa mamahaling gamit, mahilig sa make up, at maraming kaibigan na ‘gangster’ o ‘asian female gangster’?

Well, wala akong idea sa ‘Asian Baby Girl’ pero obsyu naman na sa look pa lang na iprinisent ni Julia, ibang-iba ito sa mga ordinaryong babae, dahil sa dating pa lang nila, sobrang lakas na, at sa totoo lang, medyo mag-aalangan kang lapitan, o lokohin sila.

Well, maganda naman ang feedback sa look na ito ni Julia. At wish nila na mas marami pang transformation na gawin si Julia sa YouTube channel niya. (Dondon Sermino)

The post Asian Baby Girl: Gangster na Julia patok sa YT first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *