Ashton Kutcher dedma sa ‘threesome’ pasabog ni Demi Moore

Maraming naghihintay sa reaction ni Ashton Kutcher sa mga ginawang revelations ng ex-wife niyang si Demi Moore sa tell-all book nito na “Inside Out”.

ashton kutcher dedma sa threesome pasabog ni demi moore - Ashton Kutcher dedma sa ‘threesome’ pasabog ni Demi Moore
ashton 1 - Ashton Kutcher dedma sa ‘threesome’ pasabog ni Demi Moore

Maraming naghihintay sa reaction ni Ashton Kutcher sa mga ginawang revelations ng ex-wife niyang si Demi Moore sa tell-all book nito na “Inside Out”.

Nilalaman ng libro na dalawang beses siyang nahuli ni Demi na nambababae at ang pag-suggest sa kanya ng aktor na pasukin nila ang isang threesome sex.

Na-open up din ni Demi ang miscarriage sa sana’y baby nila ni Ashton.

Despite of everything, pinasalamatan pa rin ni Demi si Ashton dahil sa pagmamahal na binigay nito sa tatlong anak niya from ex-husband Bruce Willis na sina Rumer, Tallulah and Scout.

“He loved my children — it wasn’t something he feared. He seemed to be comfortable with the enormity of the ex-husband. I mean, you know, I felt like I was not coming with baggage, I had trunks,” sey ni Demi.

Tahimik lang si Ashton sa mga naging interview ni Demi tungkol sa libro nito.

During Demi’s interview with Diane Sawyer, nasa Los Angeles Dodgers game si Ashton kasama ang wife nitong si Mila Kunis.

Noong ma-release ang naturang book, nakatanggap daw si Ashton ng hindi magagandang tweets dahil sa mga binunyag ni Demi tungkol sa kanya.

Sa isang tweet ni Ashton: “I was about to push the button on a really snarky tweet. Then I saw my son, daughter, and wife and I deleted it.”

Ang sinend na lang daw na tweet ng aktor ay: “Life is good.” (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *