Asam ng mga fan: Sarah, Matteo nakabuo ng baby sa Palawan

Bitin ang mga faney na masilip ang kaseksihan ni Sarah Geronimo sa ginanap na honeymoon nila ni Matteo Guidicelli sa Amanpulo, Palawan, kamakailan.

asam ng mga fan sarah matteo nakabuo ng baby sa palawan - Asam ng mga fan: Sarah, Matteo nakabuo ng baby sa Palawan
sarah mateo - Asam ng mga fan: Sarah, Matteo nakabuo ng baby sa Palawan

Bitin ang mga faney na masilip ang kaseksihan ni Sarah Geronimo sa ginanap na honeymoon nila ni Matteo Guidicelli sa Amanpulo, Palawan, kamakailan.

Bitin dahil kahit nasa maputing buhangin, at pagkalinis-linis na tubig dagat ang mag-asawa ay halos balot na balot pa rin si Sarah. Imagine, mistulang sando na rush guard ang top ni Sarah, at cycling shorts na halos abutin ng tuhod ang lower outfit niya. Samantalang si Matteo ay shorts at topless, ha!

Kunsabagay, noon pa man ay super conservative na ni Sarah sa pananamit. Aba kung hindi nga lang siguro siya performer, baka hindi natin siya makita na nagpapasilip ng konting flesh. Kabaligtaran naman kay Matteo na matapang magpasilip ng katawan, at di ba nga, nagsuot na siya ng skimpy bikini sa Instagram niya, na ikinaloka ng mga beki.

Pero siyempre, ang daming bumilib kay Sarah, na kahit si Matteo na nga ang kasama niya, hindi pa rin siya na-tempt na magpaseksi sa Palawan. At yon daw siguro ang nagustuhan ni Matteo kay Sarah, ang pagiging simple, at konserbatibo nito.

Anyway, kahit sinasabi ng mag-asawa na mas gusto nilang mag-focus muna sila sa isa’t isa, at bibilang pa ng dalawang taon bago sila mag-baby, marami ang nagdarasal na sana ay nakabuo na ng ‘baby’ ang dalawa sa honeymoon nila.

Well, abang-abang na lang tayo ng tatlong buwan, ha! (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *