Arra, Thea pagandahan sa ‘Madrasta’

Marami ang nahumaling sa ganda ng mga Kapuso star na sina Arra San Agustin at Thea Tolentino sa bagong release na ­teaser para sa kanilang much-awaited teleserye na “Madrasta”.

arra thea pagandahan sa madrasta - Arra, Thea pagandahan sa ‘Madrasta’
arra - Arra, Thea pagandahan sa ‘Madrasta’

Marami ang nahumaling sa ganda ng mga Kapuso star na sina Arra San Agustin at Thea Tolentino sa bagong release na ­teaser para sa kanilang much-awaited teleserye na “Madrasta”.

Sa shot kasi, makikita sina Arra at Thea na nag-aayos sa harapan ng salamin at sobrang ­sopistikado at glamorosa ang aura.

Ito ang kauna-unahang lead role ng “­StarStruck” alumna na si Arra kung kaya’t ­marami ang nag-aabang sa ipapamalas ­nitong pag-arte. Samantala, bihasa naman ang ­“Protégé” alumna na si Thea pagdating sa kontrabida role pero say nito na mas malalim daw ang ­gagampanan niyang character sa “Madrasta” na hindi dapat palampasin ng mga viewer.

Say pa ni Arra, “Abangan niyo ‘yung ­interesting story ni Audrey and the other characters din, and how we all blend the storyline, the outfits,
the shots – everything is so interesting.”

(Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *