Arnold Schwarzenegger tinadyakan ng fan

Hindi inaasahan ng Hollywood icon at former California governor na si Arnold Schwarzenegger ang pa-traydor na pag-atake sa kanya ng isang ‘baliw’ na fan.

The post Arnold Schwarzenegger tinadyakan ng fan appeared first on Abante News Online.

arnold schwarzenegger tinadyakan ng fan - Arnold Schwarzenegger tinadyakan ng fan
Arnold Schwarzenegger - Arnold Schwarzenegger tinadyakan ng fan

Hindi inaasahan ng Hollywood icon at former California governor na si Arnold Schwarzenegger ang pa-traydor na pag-atake sa kanya ng isang ‘baliw’ na fan.

Nasa Sandton, South Africa ang “Terminator” star para sa sporting event na Arnold Classic Africa. Habang nakikipag-usap sa mga fan, kitang-kita sa video mula sa TMZ.com ang paglapit ng isang lalaki, sabay tadyak kay Arnold. Agad naman itong na-restrain ng event security, habang nagsisisigaw ito ng “Help me! I need a Lamborghini!” at saka ikinulong.

Wala naman daw balak si Schwarzenegger na magsampa ng kaso sa naturang lalaki at ipinagpasalamat pa na hindi naputol ang kanyang Snapchat video.

Aniya via Twitter: “Thanks for your concerns, but there is nothing to worry about. I thought I was just jostled by the crowd, which happens a lot. I only realized I was kicked when I saw the video like all of you. I’m just glad the idiot didn’t interrupt my Snapchat.”

Ayon naman sa mga fan, siya pa rin talaga ang Terminator dahil hindi man lang ito napatumba sa pag-atake at sa katunayan eh ang nanipang lalaki pa ang tila nasaktan sa drop-kick nito, na lumagapak sa sahig matapos tamaan si Arnold ng tadyak.

No brainer nga naman kung sa palagay mo ay kaya mong pabagsakin ang matikas na si Arnold, kahit pa 71 years old na ito! (Jun Lopez)

The post Arnold Schwarzenegger tinadyakan ng fan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *