Arnell tinawanan lait ni G

Malutong na halakhak ang sagot ni Arnell Ignacio sa patutsada sa kanya ni G Toengi.

The post Arnell tinawanan lait ni G first appeared on Abante.

arnell tinawanan lait ni g - Arnell tinawanan lait ni G
Arnell Ignacio - Arnell tinawanan lait ni G

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Arnell tinawanan lait ni GMalutong na halakhak ang sagot ni Arnell Ignacio sa patutsada sa kanya ni G Toengi.

“Anong klaseng argumento ‘yan? Paano mo sasagutin? Hahahaha!” ang tumatawang reaksyon ni Arnell sa atake sa kanya ni G, partikular na sa kanyang ulo na may wig.

Sa chikahan namin ni Arnell via phone pinag-iisipan daw niya kung sasagutin niya ang banat sa kanya ni G, dahil lihis daw ito sa punto.

Minasama ni G ang post ni Arnell na nagkukumpara sa mga ilang artista noon at ngayon. Sabi ni Arnell, nakakasama ng loob ang pagi-stereotype ng mga tao sa mahinang ulo ng mga artista noon.

Pero ngayon mahirap na raw ipagtanggol ang mga ito dahil proud pa sa kanilang katangahan.

Bumuwelta nga si G at ipinagtanggol ang mga kapwa niya artista na ini-exercise lang ng mga ito ang karapatan sa freedom of expression, kasunod ang pamimintas nito na ang alam nitong mahina ay ang ulo ni Arnell na ‘di na tinutubuan ng buhok at naka-plug in na lang, na ang tinutukoy ay ang wig.

Sabi ni Arnell pinatunayan lang ni G na mahina ang pag-intindi nito sa punto kaya ang ulo na lang niya ang pinagdiskitahan.

Hindi natinag si Arnell sa pamemersonal sa kanya ni G.

“Nakakatawa nga ‘yung mga client ko, sabi nila, anong ibig sabihin na mahina ang ulo namin dahil naka-wig kami?”

Anyway, artificial at human hair ang negosyo ni Arnell.

Kampi kay Ignacio: Aiko binanatan si Tongi

Binarag naman ni Aiko Melendez si G Toengi sa panghahamak nito kay Arnell Ignacio na nag-ugat sa post ng huli tungkol sa kaibahan nga mga artista noon at ngayon.

Kahanga-hanga ang talino at comprehension ni Aiko sa punto nito kung bakit wala sa hulog ang pamimimersonal ni G kay Arnell.

“Lahat naman tayo me kanya-kanyang opinion sa politika. May kanya- kanyang paniniwala pero hindi kasi ako sang-ayon na mamemersonal ka sa pagtira ng kapwa mo. Pwede kasi naman ang issue about mishandling of some things. Pero para tawagin mong kalbo o panget o ano man kapintasan ng isang tao hindi tama…#justsaying. Kung me maganda at maayos ka na rebuttal sabihin mo out loud pero ‘wag manghamak ng tao…Nakakalungkot naman dito na papunta ang argumento ng isang bagay. Personalan…lahat tayo ay me kalayaan sa pagpuna ng isang pagpapatakbo sa bayan pero pag nauwi sa personalan ang atake ano tawag dun?…Think before you click nga dba. Gather facts muna. There is no harm in asking…” sabi ni Aiko.

Dimples mahal ang dyowa ni Bam

Kahit simple at intimate gathering lang ay naidaos ang kasal ng nakababatang kapatid ni Dimples Romana na si Bam Romana kamakailan lang.

Ibinahagi ni Dimples sa Instagram ang mga larawan sa naganap na wedding sa Alfonso Cavite. Pinasalamatan ng aktres ang Mayor ng Alfonso Cavite na si Randy Salamat na nag-officiate ng kasal.

Base sa post ni Dimples sa napangasawa ng kapatid, mahal niya ito.

The post Arnell tinawanan lait ni G first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *