Arnell Ignacio nabuwisit kay Vice Ganda

Hindi nagustuhan ni Arnell Ignacio ang pinalabas na eksena sa “Gandang Gabi Vice” ni Vice Ganda last Sunday. Ito nga ‘yung mga nag-viral na mga batang bading na naka-Boy Scout uniform na nagtarayan, nagpagalingan sa pagsayaw.

arnell ignacio nabuwisit kay vice ganda - Arnell Ignacio nabuwisit kay Vice Ganda
arnel 1 - Arnell Ignacio nabuwisit kay Vice Ganda

Hindi nagustuhan ni Arnell Ignacio ang pinalabas na eksena sa “Gandang Gabi Vice” ni Vice Ganda last Sunday. Ito nga ‘yung mga nag-viral na mga batang bading na naka-Boy Scout uniform na nagtarayan, nagpagalingan sa pagsayaw.

Sa eksena kasi ay parang sinulsulan pa ni Vice ang mga bata na magtarayan at magkabugan sa pagsayaw habang naka-uniform ng Boy Scout.

Heto nga ang reaksyon ni Arnell:

“Lintek naman. Ako bakla na ha pero dapat naman alamin naman natin na HINDI lahat ng nakakaaliw ay tamang bigyan ng ganyang atensyon!”

Na sinang-ayunan din ng fashion designer na bading na si Armando Favia.

Sabi niya: “Isn’t this a disrespect of the Boy Scout’s uniform? And Creed of Honor?”

‘Yun din ang sabi ng komedyante na si Inday Garutay!

“Tapos Naka uniporme pa sila,..Disrespect nga yan!”

Well, ano kaya ang masasabi ni Vice?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *