ArMaine agaw-eksena sa concert

Sumakay ng motor si Maine Mendoza papuntang Mall of Asia Arena para makaiwas sa traffic at makahabol sa concert ng LANY nu’ng Miyerkoles.

The post ArMaine agaw-eksena sa concert appeared first on Abante News Online.

armaine agaw eksena sa concert - ArMaine agaw-eksena sa concert
maine arjo 1 - ArMaine agaw-eksena sa concert

abante i know better jun nardo 336x224 - ArMaine agaw-eksena sa concertSumakay ng motor si Maine Mendoza papuntang Mall of Asia Arena para makaiwas sa traffic at makahabol sa concert ng LANY nu’ng Miyerkoles.

Eh may taping din si Meng nu’ng araw na ‘yon kaya sad siya sa una niyang tweet.

“Nakipag-unahan ako na bumili ng LANY tickets noon tapos may biglaang taping ngayon. Ang shaket shaket. Enjoy sa lahat ng pupunta tonight, I-hi niyo na lang ako kay @pauljasonklein #Ma-libuNightsMNL,” unang tweet ni Meng.

Eh mukhang natapos agad ang mga eksena niya sa taping kaya sa next tweet niya, “Magtataping pero hindi susuko! Dibale nang dugyot basta #LabanLANY!!!” Sinamahan niya ng litrato ang tweet na may suot na helmet.

Sa kanyang Instagram story, may video siya habang bumibiyahe papuntang concert, at nagawa pa niyang magpakuwela sa emote ng face niya, huh! Sa post, nakasaad ang “Para kay @thisislany.”

Nang matapos ang concert, “Nairaos! Paki-ramdam ko may hinabol akong jowwa na paalis ng bansa. Iba kayo @thisisLANY! Hindi ko ito nagawa kay Chris Martin..baka magtampo. Anyway you are always amazing! Thanks or giving a real show! Til the next.”

Pero hindi nag-iisa ang Phenomenal Star sa pano-nood ng concert dahil nakuhanan sila ng picture ni Arjo Atayde na nasa audience, huh! Sa isang pic na nakita namin eh may suot ding helmet at kapote si Arjo!
Sabi nga, one for the books ang karanasan na ito nina Arjo at Maine. At agaw-eksena talaga sila dahil ang daming photo na naglabasan na sila ang mga bida.

Zanjoe, Joseph anak ni Nora sa pelikula

Nadagdag sa cast ng Nora Aunor, Michael de Mesa at Philip Salvador starrer na “Isa Pang Bahaghari” sina Zanjoe Marudo at Joseph Marco.
Ang dalawang aktor ang gaganap na mga anak nina Nora at Philip. Ang isusunod na iaanunsyo ay ang gaganap na bunsong anak.

Then, ang casting ng lalabas na batang Nora, Ipe at Michael at iba pang bigatin cast ang ibabahagi ng Heaven’s Best Entertainment na producer ng movie.

Samantala, sa isang post ni Dennis Evangelista, line producer ng “Isa Pang Bahaghari”, dumalo siya sa isang meeting ng producers para pag-usapan ang guidelines sa magaganap na MMFF Summer Film Festival.

Kasama sa mee-ting sina Mother Lily, Camilo Valenzona para sa production ni Brillante Mendoza na Center Stage Productions, at direk Joel Lamangan.

Sa palagay namin, ito ang festival na pangako ni Senator Bong Go nang makausap niya si Ai Ai delas Alas. Aba, bongga ang tulong na ito sa movie industry ng senador, huh!(JUN NARDO)

The post ArMaine agaw-eksena sa concert appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *