Ariana inireklamo ang sikat na clothing brand sa panggagaya

Naghain ng reklamo laban sa isang sikat na international clothing brand ang Hollywood pop superstar na si Ariana Grande dahil sa paggamit o gaya umano ng mga imahen o lyrics na meron ito sa kanyang album na “Thank U, Next” at nag-claim ito ng hindi bababa sa $10 million damages.

ariana inireklamo ang sikat na clothing brand sa panggagaya - Ariana inireklamo ang sikat na clothing brand sa panggagaya
ariana 3 - Ariana inireklamo ang sikat na clothing brand sa panggagaya

Naghain ng reklamo laban sa isang sikat na international clothing brand ang Hollywood pop superstar na si Ariana Grande dahil sa paggamit o gaya umano ng mga imahen o lyrics na meron ito sa kanyang album na “Thank U, Next” at nag-claim ito ng hindi bababa sa $10 million damages.

Kasama ang abogado ng Pop Superstar na si Daniel Patrocelli, nag-akusa si Ariana na nag-post o gumamit ang Forever 21 ng hindi bababa sa 30 na unauthorized image and video sa mga website at social media na gamit ang kanyang pangalan o may pagkakahawig sa kanyang musika matapos nitong i-turn down ang isang endorsement deal dito.

Kabilang sa inireklamo ni Ariana ang mga kuha sa Instagram na nagpapakita ng lookalike model na sinasabing binase umano sa “7 rings” music video niya. Makikita ang modelo na may malambot at makulay na pompoms na kulay pink na naka-disenyo sa kanyang buhok, pati na rin ang camo pants at white socks sa iba pang ayos nito which is parang ginaya nga ang outfits sa kanyang music video.

Bukod pa riyan, ginamit din umano para sa caption ang ilang bahagi ng lyrics ng kanta niyang “7 rings”.

Marami ang nagsasabi na malakas ang kaso ni Ariana laban sa naturang brand.

Habang ang industriya ng musika ay patuloy na naghahanap ng pera sa labas ng pagbebenta o streaming, ang mga ganitong uri ng ligal na argumento ay maaaring makaapekto sa higit pang mga artista.

Anyway, wala pa namang public statement dito ang naturang brand at patuloy ngang inaabangan kung ano kaya ang magiging tugon nito tungkol sa kasong inihain sa kanila ni Ariana. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *