Arci todo make up sa military training

Pinahiga sa lupa, pinagulong sa putikan, pinagdala ng mabigat na baril, ‘yan ang ilan lang sa mga larawang pinoste ni Arci Muñoz sa Instagram kaugnay sa pagtatapos nito sa special training program ng Phil Air Force para sa kanyang pagiging military reservist.

The post Arci todo make up sa military training first appeared on Abante.

arci todo make up sa military training - Arci todo make up sa military training
Arci Munoz 5 - Arci todo make up sa military training

Rey pumalopy 13 300x200 - Arci todo make up sa military trainingPinahiga sa lupa, pinagulong sa putikan, pinagdala ng mabigat na baril, ‘yan ang ilan lang sa mga larawang pinoste ni Arci Muñoz sa Instagram kaugnay sa pagtatapos nito sa special training program ng Phil Air Force para sa kanyang pagiging military reservist.

Ibinahagi ni Arci ang ilang hirap na dinanas nito makumpleto lang niya ang programa. Nung Sabado (Oct. 25) ang official na pagtatapos ng training na iginawad ng Air Force Command sa pamamagitan ng certificate of completion.

Pero nahirapan man si Arci sa training kapit na kapit pa rin ang lipstick niya sa gitna ng arawan at madamong kabundukan.

Namumukod si Arci sa kanyang mga co-trainee dahil bukod sa mestisahing kutis, naka-tint blush on pa rin ito at nakakilay.

Hindi nga lang fully-made up si Arci pero mapapansing hindi nito nagawang i-compromise na tanggalin ang make up sa training.

Iza naiyak sa ‘pang-aabuso’

Sumama na rin si Iza Calzado sa kampanyang #NoToGenderViolence. Ayon kay Iza, emosyonal siya habang sinusulat ang caption ng paglahok niya sa campaign dahil sa naisip niya ang mga pinagdaanan ng mga naging biktima nito ngayon.

Walang ibinahaging personal experience si Iza kung bakit sya nasapol sa kampanya.

“Habang sinusulat ko ito, naiiyak ako. Nahihirapan akong mag-type pero naisip ko mas mahirap ang pinagdadaan ng mga biktima ng gender based violence na mas dumami pa kaso ngayong pandemya. May krapatan kang magsalita. May mga nagmamahal at handang tumulong magligtas sayo. Itigil na natin ang pananakit at pang aabuso sa ating kapwa tao. #StopGBV #NoToGenderViolence #EndGBV #FamiligtasPh,” sabi niya.

Daiana wala nang datung

Nagbebenta ng condo si Daiana Meneses para matustusan ang kanyang pangangailan dulot ng kawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Sa panayam namin kay Daiana, hindi nito ikinahiyang sabihin na apektado ang kanyang kabuhayan dahil sa pandemya.

May mga naipon siya pero hindi ito sapat sa mga susunod na buwan.

Dahil na rin sa kawalan ng raket, pinasok na ni Daiana ang pagbebenta ng mga luxury car at real estate property.

The post Arci todo make up sa military training first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *