Arci sinita ng dyowa sa nakatagong tattoo

Gusto na ring maranasan ni Arci Muñoz ang naranasan ni Angel Locsin kamakailan. Mea-ning, type na niyang magkaroon ng ‘engagement’ sa boyfriend niyang negosyante na si Anton.

The post Arci sinita ng dyowa sa nakatagong tattoo appeared first on Abante News Online.

arci sinita ng dyowa sa nakatagong tattoo - Arci sinita ng dyowa sa nakatagong tattoo
abante Arci Munoz - Arci sinita ng dyowa sa nakatagong tattoo

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Arci sinita ng dyowa sa nakatagong tattooGusto na ring maranasan ni Arci Muñoz ang naranasan ni Angel Locsin kamakailan. Mea-ning, type na niyang magkaroon ng ‘engagement’ sa boyfriend niyang negosyante na si Anton.

Pero ‘yun nga lang, hindi siya sure kung kailan siya aalukin ng kasal ni Anton. Siyempre, ayaw naman daw niya itong pangunahan.

Pero kung siya talaga ang tatanungin, anytime ay ready na siyang magpatali sa kasintahan.

Siyanga pala, naloloka raw si Arci dahil hindi sila nag-aaway ng boyfriend niya.

Minsan lang daw siyang sinita nito at ‘yun ay nu’ng malaman na mayroon siyang tattoo sa loob ng kanyang bibig (labi).

Lumabas ito sa guesting niya kay Boy Abunda nu’ng ipakita niya sa harap ng kamera ang tattoo. Nakarating kay Anton ang tungkol dito kaya sinita siya.
Mabait at supportive raw ang dyowa ni Arci sa kanya, lalo na sa kanyang career.

Ayaw lang daw nitong ma-post ang mukha nito sa Instagram ng aktres. Sinabihan na siya ni Anton na ‘wag na siyang isali sa mga post nito, na naiintindihan naman ng Kapamilya star dahil private person talaga ang dyowa niya.

Siyanga pala, kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang movie nina Arci at JC Santos na “Open”. Hindi raw alam ni Anton ang tema ng pelikula dahil hindi ito sinabi ni Arci.

Erik Santos sinermunan ng s­upporter ni ‘Idol’ Lucas

Nawindang si Erik Santos nang pagsabihan ng isang follower niya kaugnay sa opinyon nito sa “Idol Phi-lippines” contestant na si Lucas. Nag-tweet si Erik tungkol sa napanood na performance ni Lucas, na sinabi nga niyang maganda ang rendition nito sa kanta ni Moira, pero hindi raw niya na-feel ang kanta nito.

Sabi pa ni Erik, hindi niya maisip kung ano ang kulang, pero maganda raw ang boses nito. At nag-react ang supporter ni Lucas at iginiit na magaling ito.

Nagpatutsada pa si @barcellanoruth na baka si Lucas na ang kakanta ng mga original soundtrack ng mga teleserye ng ABS-CBN in the future at hindi na si Erik.

Nilinaw naman agad ni Erik na wala siyang sinabing hindi magaling si Lucas. Iginiit pa ni Erik na isa si Lucas sa pinakamahusay sa batch nito.
Martin, Christian inakusahang bading ni Carmi

Kahit si Carmi Martin ay nagduda sa tunay na sexu-al preference nina Paolo Bal-lesteros, Martin Del Rosario at Christian Bables. Gumaganap bilang nanay ng tatlo si Carmi sa pelikulang “Panti Sisters”, na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Sa interview namin kay Carmi para sa “Abantelliling”, naikuwento niya na tinanong niya ang tatlo sa shooting nila kung bakla ba ang mga ito. Una nga raw nagsabi si Martin na lalaki siya, o straight siya.

Inamin ni Carmi na nagdududa siya sa pagkalalaki nina Martin at Christian dahil sa husay ng mga itong mag-portray ng gay role.

Si Paolo ay nag-out na sa social media kaugnay sa kanyang sexuality.

Pero ‘yun nga, naninindigan sina Martin at Christian na mga straight sila.

The post Arci sinita ng dyowa sa nakatagong tattoo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *