Arci sinaluduhan sa maangas na painting

Humilera si Arci Muñoz sa kategorya ng mga female star na loaded sa talent, bukod pa sa taglay na kagandahan. Maliban sa pagiging aktres, singer, fashionista, food menu creator, isa rin siyang painter.

arci sinaluduhan sa maangas na painting - Arci sinaluduhan sa maangas na painting
Arci Munoz 1 - Arci sinaluduhan sa maangas na painting

Humilera si Arci Muñoz sa kategorya ng mga female star na loaded sa talent, bukod pa sa taglay na kagandahan. Maliban sa pagiging aktres, singer, fashionista, food menu creator, isa rin siyang painter.

Nagpasampol si Arci ng kanyang obra sa pinoste niyang larawan ng kanyang watercolor portrait painting na anime ng Ghostfighter.

Isang rebelasyon sa kanyang mga social media fan ang panibagong kakayahan ni Arci sa pagpipinta, kaya naman inulan ito ng paghanga sa plakadong pagpipinta nito ng mga mukha ng nasabing anime character.

“Sinipag lang muling gumuhit…ang sarap lang balik-balikan ng alala ng kabataan ko. Eto ang na-miss ng mga kabataan ngayon! Buti na lang meron sa Netflix! Kaya kung ni raygun mo sa pwet kapatid o kaibigan mo for sure ya had an amazing childhood! #ghostfighter #yuyuhakusho #anime #otako.” (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *