Arci may luto para sa mga sawi

Mukhang baliw at weird, pero maliban sa acting at singing, mahusay ring magluto si Arci Muñoz. Nag-post ito ng isang dish na may magandang plating at pang-sosyal na resto ang dating.

The post Arci may luto para sa mga sawi appeared first on Abante News Online.

arci may luto para sa mga sawi - Arci may luto para sa mga sawi
arci 2 - Arci may luto para sa mga sawi

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Arci may luto para sa mga sawiMukhang baliw at weird, pero maliban sa acting at singing, mahusay ring magluto si Arci Muñoz. Nag-post ito ng isang dish na may magandang plating at pang-sosyal na resto ang dating.

Ipinakita ni Arci sa Instagram post niya ang talent niya sa pagluluto nang walang bahid nang pagyayabang.

Sumunod na posting niya ay hawak-hawak niya ang isang libro na may title na “Cheat Day”. Si Arci ang author ng cook book na personal recipe niya at mga dish para sa pagmu-move on. Meaning, may naimbento siyang pagkain para sa mga bigo sa pag-ibig.

Kaya pala inuu-ngutan na si Arci ng kasal ng dyowa niyang businessman dahil total package na ang aktres.

Sheena jackpot sa dyowa

Isa sa mga mapapalad na Kapuso star ay si Sheena Halili na napapaliguan ng luxury ng non-showbiz fiancé nito. Naka-post sa Instagram ni Sheena ang pagliliwaliw nila ng kasintahan sa New Zealand.

Madalas mag-travel ang aktres kasama ang boyfriend sa iba’t ibang bansa kapag may taping break ito. Ang isa sa mga patunay na binubusog ng karangyaan si Sheena ng dyowa niya ay ang pag-aarkila nito ng private chopper para makita nito ang aerial view ng lugar na pinuntahan nila.

Umaapaw sa kaga-lakan ang puso ni Sheena sa generosity ng kasintahan. Wish niya na magtuloy-tuloy ang magagandang moment na ito sa kanila ng kasintahan hanggang sa araw ng kanilang kasal.

Goma pinagmalaki ang ilustradong ninuno

Napakakatas ng historical background ni Richard Gomez na natuklasan ng mga netizen dahil sa kanyang Facebook post kaugnay sa selebrasyon ng Labor Day nu’ng Miyerkoles.

Sa post ni Richard, ibinahagi niyang isang ilustradong nationalist ang kanyang great grandfather. Pamangkin ng isa sa tatlong bayaning pari ang lolo ni Goma na si Dr. Dominador Gomez. Nag-aral ng medisina dito sa Pilipinas, sa University of Santo Tomas.

Nagtungo sa Spain para doon ipagpatuloy ang pag-aaral nito, kung saan nito nakuha ang lisensya sa paggamot. Bukod sa pagi-ging doktor, isa ring labor leader ang ninuno ni Richard.

Nakulong ito dahil sa kasong sedition at illegal assembly. Naakusahan din itong sumuporta kay Macario Sakay, isang kilalang rebolusyonaryo noon.

Naging manunulat para sa La Solidaridad ang lolo ni Goma. Naging Congressman o Manila 1st District Representative rin ang lolo ni Goma.

Kaya nga hindi kataka-taka ang interest ni Goma sa politika dahil nananalaytay ito sa kanyang dugo. Palaban sa kanyang ipinaglalaban ang Ormoc Mayor, na isang katangian ng kanyang great grandfather.

The post Arci may luto para sa mga sawi appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *