Arci, JM nasarapan sa mainit na lampungan

Ang “Last Fool Show” ang bagong movie na pinagbibidahan nina Arci Muñoz at JM de Guzman.

The post Arci, JM nasarapan sa mainit na lampungan appeared first on Abante News Online.

arci jm nasarapan sa mainit na lampungan - Arci, JM nasarapan sa mainit na lampungan
Abante 2019 JM Arci - Arci, JM nasarapan sa mainit na lampungan

Ang “Last Fool Show” ang bagong movie na pinagbibidahan nina Arci Muñoz at JM de Guzman. First time nilang magtambal sa proyekto pero in fairness ay may chemistry na sila.

Nakakatawa ang tatakbuhing kuwento ng romcom film dahil tungkol ito sa isang direktor na maire-relate ang sariling experience sa ginagawa niyang pelikula. Kahit teaser pa lang, nakakakilig na sina JM at Arci, at may ilang steamy scenes pa na dapat abangan ng moviegoers. Na sabi nga ay parehong nag-enjoy ang dalawa, ha! As in literal daw na tawanan sila nang tawanan habang ginagawa ang mga eksenang ‘yon.

Tested na pagdating sa aktingan si JM. Sa iyakan, talagang maaasahan si JM dahil magaling siyang dramatic actor. May comedic timing din ang aktor, kaya kahit sa trailer pa lang, nakakatawa na ang kanyang role.

Sobrang nag-shine din si Arci sa past roles niya sa romcom films gaya ng “Always Be My Maybe” at “Can We Still Be Friends” kung saan parehas niyang kasama si Gerald Anderson. Gaya ng roles sa mga dati niyang proyekto, siguradong magugustuhan din ng mga manonood ang kanyang karakter sa pelikula.

Showing na this April 10 ang “Last Fool Show” na idinerek ni Eduardo Roy, Jr. (Dondon Sermino)

The post Arci, JM nasarapan sa mainit na lampungan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *