Arci hindi type dyowain si Gerald

Mariing itinanggi ni Arci Muñoz ang short-live ­romantic relationship kay Gerald Anderson. Nagkaroon ng sitsit na nahulog daw sa kamay ni Gerald si Arci nung nagsama sila sa dalawang pelikula.

arci hindi type dyowain si gerald - Arci hindi type dyowain si Gerald
arci 4 - Arci hindi type dyowain si Gerald

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 5 336x224 - Arci hindi type dyowain si GeraldMariing itinanggi ni Arci Muñoz ang short-live ­romantic relationship kay Gerald Anderson. Nagkaroon ng sitsit na nahulog daw sa kamay ni Gerald si Arci nung nagsama sila sa dalawang pelikula.

Naging controversial ang comment ni Arci tungkol sa “Ghosting” sa kasagsagan ng controversy sa love triangle nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sa nakaraang presscon ng “Pamilya Ko” kung saan ay isa sa mga cast si Arci ipinagdiinan ng aktres na hindi sila naging mag-dyowa ni Gerald.

Brother daw ang turing niya rito. Hindi rin daw siya niligawan ni Gerald noon. Binabarkada raw niya ang mga nakakasama niya sa trabaho, kaya hindi nauuwi sa ligawan.

At hindi raw type ni Arci ang mga artista, kaya malabong magka-dyowa siya ng artista.

Joshua, Julia balikan asam pa rin ng mga fan

Hindi malalayo si Julia Barretto sa ex-boyfriend niyang si Joshua Garcia dahil ang matatapos na ipinapagawang bahay niya ay malapit lang sa bahay ng binata. Kung tutuusin hindi rin maghihiwalay ang dalawa.

Naka-post sa Instagram ni Julia ang larawan niya sa garden ng bahay nila.

Ayon sa caption, ibinalita niyang malapit na siyang bumukod ng tirahan dahil nasa completion na ang ipinapagawa niyang bahay.

Nilinaw niyang malapit ang bahay na ipinapagawa sa bahay ng ina kaya parang hindi rin siya bumukod. Madalas pa rin itong lilipat sa ina para kumain at malibre sa gastos nito sa food.

Ikinatuwa ng mga follower ni Julia ang post na ‘yon dahil ayon sa kanila ay malapit lang ang bahay ni Julia kay Joshua. Umaasa pa rin hanggang ngayon ang mga tagahanga nila na magkakabalikan pa rin ang kanilang mga idolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *