Arci ‘di nadale ni Gerald

Nagsalita na si Arci Muñoz kaugnay sa pagkakaungkat ng isang interview sa kanya noong 2017 sa “Gandang Gabi Vice” tungkol sa pagkakaibigan nila ni Gerald Anderson, na pinagpipiyestahan ngayon sa social media.

arci di nadale ni gerald - Arci ‘di nadale ni Gerald
ABANTE rc g - Arci ‘di nadale ni Gerald

Nagsalita na si Arci Muñoz kaugnay sa pagkakaungkat ng isang interview sa kanya noong 2017 sa “Gandang Gabi Vice” tungkol sa pagkakaibigan nila ni Gerald Anderson, na pinagpipiyestahan ngayon sa social media.

Kung babalikan nga ang eksenang iyon kung saan tinanong ni Vice si Arci kung hindi ba sila naging mag-ex ni Gerald kahit nagkasama ito sa pelikulang “Can We Still Be Friends?” pabulong na sumagot noon si Arci ng “Hindi ako mabibiktima.”

Sa mga oras na iyon ay aminado ang aktres na biro niya lamang iyon. Nga-yon na may isyu kay Gerald tungkol sa pagiging “pakboy” umano nito, siner-yoso ng mga fan ang birong iyon at napaisip kung anong nalalaman ni Arci tungkol sa tunay na sistema ni Gerald bilang leading man o kaibigan.

Nilinaw pa ng aktres na hindi nito trip makipagrelasyon sa kanyang mga kapwa artista dahil pakiramdam niya ay ‘brothers’ o ‘tropa’ niya lamang ang mga ito. Ayaw na rin ng aktres makisawsaw sa kung ano man ang kumakalat na isyu ngayon tungkol kay Gerald.

“One of the boys talaga ako,” sabi niya.

Sa ngayon ay busy ang aktres sa pelikulang “Open” kung saan kasama niya si JC Santos, at ganu’n din sa teleser-yeng “Pamilya Ko” kasama naman si JM De Guzman. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *