Arci baliw na kay Park Jimin

Isang video compilation ng mga sinundang concert ni Park Jimin sa iba’t ibang bansa ang pinoste ni Arci Muñoz sa kanyang Instagram.

The post Arci baliw na kay Park Jimin first appeared on Abante.

arci baliw na kay park jimin - Arci baliw na kay Park Jimin
Arci Munoz 4 - Arci baliw na kay Park Jimin

Isang video compilation ng mga sinundang concert ni Park Jimin sa iba’t ibang bansa ang pinoste ni Arci Muñoz sa kanyang Instagram.

Ito ang ginawang birthday gift ni Arci kay Park Jimin para ipakita kung gaano kalalala ang pagiging fan at pagkabaliw nito sa Korean singer.

Mapapanood sa video ang mga pagtili ni Arci sa pangalan ni Park Jimin sa halos lahat ng concert na pinuntahan nito. Hindi artista kundi avid fan ang makikita sa video ni Arci.

Humingi pa si Arci ng sorry sa post dahil late niya itong nai-post. Sinisi ni Arci ang bad signal sa location taping nila kaya na-delay raw ang birthday tribute niya kay Park Jimin.

***

Ai-Ai bet maging borta

Ang maging borta, maskulada ang ultimate dream ni Ai-Ai delas Alas sa pagsapit niya ng 70. Isang larawan ng babaeng foreigner na kalahok sa body building contest ang pinoste ni Ai-Ai sa Instagram na peg niya.

Itinabi ni Ai-Ai ang kanyang larawan na nakataas din ang dalawa niyang braso para ipakita na nagkakaporma na ang muscle niya.

“Kaya ako gym nang gym para pag umabot ako ng 70 na napakatagal pang panahon hahahaha…para akong si Ate (at the age of 70 winner si Ate ng isang muscle chever competition…yes i can do this baka pag 60 nako ganito nako ‘di na aabot ng 70 #musclewoman #labangirlborta,” sabi niya.

Hindi naman masama ang mangarap, di ba?

***

Taba ni Angel pinagtanggol ni RR

Nadagdagan ang kaalyansa ni Angel Locsin sa pagtatanggol sa katawan niya. Matapos mag-viral ang mga larawan ni Angel na kuha ng isang fan, lumabas na mas tumaba pa ang aktres ngayon, at sinamantala ito ng marami para laitin ang aktres.

Ipinagtanggol ni RR Enriquez si Angel sa Instagram at sinabing hindi dapat husgahan ang huli lalo at maaring epekto ito ng iniinom na gamot ng huli.

Ikinumpara pa nito si Angel sa iba, na mataba pero manloloko at tumangay ng kanyang pera. Samantalang si Angel nga raw ay punung-puno ng malasakit para sa mga kapus-palad kahit mataba ito.

The post Arci baliw na kay Park Jimin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *