Arci, Anthony Ng malabo nang magkabalikan

‘Yun na nga, hiwalay na si Arci Munoz sa non-showbiz businessman boyfriend niya.

arci anthony ng malabo nang magkabalikan - Arci, Anthony Ng malabo nang magkabalikan
arci 3 - Arci, Anthony Ng malabo nang magkabalikan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 4 336x224 - Arci, Anthony Ng malabo nang magkabalikan‘Yun na nga, hiwalay na si Arci Munoz sa non-showbiz businessman boyfriend niya.

Hindi na nagawang mag-deny ni Arci sa tanong ng press na nag-interview sa kanya ­matapos ang presscon proper ng bago niyang serye sa ­ABS-CBN 2 na “Pamilya Ko” na ­pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, JM De ­Guzman at iba pa.

Ayon kay Arci, mababaw ang naging rason ng hiwalayan nila ng Chinese boyfriend na si Anthony Ng na ayaw na lang daw niyang ­i-share pa sa publiko.

Pero nilinaw niyang walang kinalaman ang parents niya sa hiwalayan dahil pabor naman ang mga ito sa ex niya.

Hindi rin ang tungkol sa pagpapa-sexy niya sa mga pelikula o pag-aartista ang ­dahilan ng breakup lalo’t supportive ito sa ­kanyang career.

Nagbiro si Arci sa mga kaibigang press na huwag na siyang paiyakin dahil dalawang beses na siyang umiyak sa naunang panayam sa kanya.

Malabo ang reconciliation kina Arci at ­Anthony dahil wala na raw silang communication nito matapos ang hiwalayan.

Sa ngayon, moving on stage na si Arci at ayaw muna niyang mag-entertain ng ­kahit sinong lalaki na nagnanais ­manligaw sa kanya.

Ang tanging nakakapagpasaya at nakakapagpagaan sa sugatang puso ni Arci ay ang pagkabaliw niya sa paborito niyang K-Pop group.

Samantala, kaibigang matalik ni JM ang role ni Arci sa “Pamilya Ko” na parang true-to-life dahil magkaibigan at mag-brother sila ng aktor noon pa man.

Hindi matanggihan ni Arci ang supporting role na ibinigay sa kanya dahil sa friendship nila ni JM at sa pagmamahal nito sa direktor na si Ruel Bayani na ­siyang may production project ng serye.

Ang “Pamilya Ko” ang ipapalit sa magwawakas na sa ereng “Minute To Win It” ni Luis Manzano.

Malasakit sa mga hayop peke? Heart binatikos sa paggamit ng balat ng buwaya

Muling binobomba ng mga batikos si Heart Evangelista sa posting niya ng mga crocodile skin bag collection niya. Pinost ni Heart sa kanyang

Instagram ang Himayalas croc skin Hermes bag niya at ang design naman ng kaibigan niyang si Mark Bumgarner sa parehong material.

Nag-react ang mga animal activist at kinuwestyon ang sinseridad ni Heart sa pagmamalasakit nito sa mga hayop.

Sabi ng ilang follower niya, hindi dapat tinatangkilik ni Heart ang mga bag na yari sa balat ng hayop. Binabalatan nang buhay ang mga ito para lang ­ma-preserba ang texture na gagamitin sa paggawa ng bag.

Nangangalandakan si Heart sa pagmamahal niya sa hayop lalo sa aso, pero patuloy naman itong ­bumibili ng mga accessory na yari sa balat ng mga ito.

May mga nagtanggol naman kay Heart na mga fan niya at sinabing hindi nasusukat sa mga ­personal ­nitong gamit ang pagmamalasakit nito sa hayop. ­Hindi sinagot o nag-comment si Heart sa pamumuna ng mga follower niya.

***
Kahit wala pang ­malinaw na kumpirmasyon sa napapa­balitang

pagkakamabutihan umano nina JM De Guzman at Ria Atayde, tinatanggap na ni Sylvia Sanchez ang aktor bilang parte ng kanyang pamilya.

Ina si Sylvia ni Ria na isa ring aktres sa ABS-CBN 2. Magkasama sa teleseryeng “Pamilya Ko” sina JM at Sylvia bilang mag-ina.

Bukod dito, may nilulutong business venture sina Sylvia at JM, kasama si Ria at ang kapatid nitong si Arjo Atayde.

***

Sylvia anak ang turing kay JM

Ayon kay Sylvia, matagal na niyang kilala si JM at alam niya ang mga magagandang ­katangian nito, noon pa sa dati niyang ­restaurant, sa baba ng ­tinutuluyang condo nito.

Tambayan daw ni JM ang kanyang restaurant kung saan madalas itong kumain noon.

Ayaw makialam ni Sylvia sa personal na buhay ng kanyang anak. Basta, wala siyang problema kay JM at alam niyang mabait na tao ito, maliban pa sa pagiging magalang nito sa kanila ng kanyang ­asawang si Art.
Magkaibigan ang deskripsyon ni JM sa estado nilang dalawa ni Ria.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *