Aquaman nakulong sa elevator sa Canada

Hindi umubra ang ­pagiging superhero ng aktor na si Jason ­Momoa nang ­ma-trap­ ito sa elevator kasama ang limang kaibigan sa isang hotel­ sa Vancouver, Canada.­

aquaman nakulong sa elevator sa canada - Aquaman nakulong sa elevator sa Canada
aquaman - Aquaman nakulong sa elevator sa Canada

Hindi umubra ang ­pagiging superhero ng aktor na si Jason ­Momoa nang ­ma-trap­ ito sa elevator kasama ang limang kaibigan sa isang hotel­ sa Vancouver, Canada.­

Nakilala si Jason dahil sa pagganap nito bilang Khal Drogo sa “Game of Thrones” at bilang ­Aquaman sa pinagbidahan nitong DC film. Pero in real life, ­ordinaryong tao lang si ­Jason na naghihintay­ ng rescue sa loob ng ­elevator.

Sinubukan daw ­nilang ­dumaan sa ceiling ng ­elevator, pero imposible raw dahil sa rami ng wires nito.

“I was trying to be like Die Hard, but it didn’t work out,” sey ni Jason sa kanyang shared na video on social media.

Naghintay na lang daw sila Jason ng ­rescue habang nakaupo sila sa elevator floor. Makikita sa video na kumakain si ­Jason ng M&M candy habang ang mga kasama niya ay kakain raw ng ramen ­kapag ­nakalabas sila.

Na-share rin ni Jason ang ginawang ­rescue sa kanila ng isang stunt team.

Caught between floors ang elevator kaya ­ginawan ng paraan ng rescuers kung paano makakalabas ang aktor at ang mga kasama nito.

(Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *