April 1, Music Box: Inah, Wonder Gray patalbugan sa pagpapatawa

Kuwelang-kuwela talaga ang mga komedyanteng sina Inah Magenta at Wonder Gray! Ikinuwento nila kung paano sila nakapasok sa mundo ng standup comedy.

The post April 1, Music Box: Inah, Wonder Gray patalbugan sa pagpapatawa appeared first on Abante News Online.

april 1 music box inah wonder gray patalbugan sa pagpapatawa - April 1, Music Box: Inah, Wonder Gray patalbugan sa pagpapatawa
1pvp set - April 1, Music Box: Inah, Wonder Gray patalbugan sa pagpapatawa

Kuwelang-kuwela talaga ang mga komedyanteng sina Inah Magenta at Wonder Gray! Ikinuwento nila kung paano sila nakapasok sa mundo ng standup comedy.

Si Gray ay laman daw ng mga singing contest noon, at kuha niya ang boses ni Mariah Carey. Pinagsabay raw niya ang pag-aaral at pagpasok sa comedy bar.

Mula 7:00am to 5:00pm ay nasa school siya, at nasa bar siya ng 8:00pm to 3:00am. Pero kinalaunan ay pinagpalit daw niya ang pag-aaral sa trabaho, at masuwerte siya na nagbunga ang kanyang career.

Si Inah ay nagsimula sa pagkanta sa tiangge ng mall, at suma­li rin siya sa mga singing contest, hanggang nakapasok na nga siya sa comedy bar. Hindi raw niya akalaing maa-achieve pa niya ang kasikatan ngayon na lumalabas siya sa TV.
Priority ni Ina ang kanyang career at pamil­ya lalo na ang kanyang kapatid na special child. Si Gray naman ay wala ring dyowa ngayon.

Nang tanungin ang dalawa kung sino ang top 3 sexiest actor para sa kanila, kilig na kilig na ibinahagi ni Inah na bet daw niya sina Jake Cuenca, Piolo Pascual at Jericho Rosales dahil lalaking-lalaki raw talaga tingnan ang mga nasabing actor. Habang ang bet naman daw ni Gray ay sina Ruru Madrid, Derrick Monasterio at Alden Richards dahil kahanga-hanga raw talaga ang mga actor na iyon on and off cam.

Isa naman daw sa bonggang comeback nila ang special event na handog ng Abante sa darating na April 1 sa Music Box! Matagal din daw ang naging pagitan ng panahon bago sila muling magkasama sa stage ng isang bar at talaga nga namang pinaghahandaan daw nila ito with matching rehearsals pa!

Very much excited ang dalawa sa kanilang comedy comeback! Kaya sa mga interesadong bumili ng tiket, magpunta lang sa Music Box Comedy Bar (#1 Timog Ave­nue, corner Quezon Avenue, 1114 Quezon City. O sa Abante office (3/F Karrivin Plaza Bldg., 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. (Athena Yap)

The post April 1, Music Box: Inah, Wonder Gray patalbugan sa pagpapatawa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *