Anyare na TV5 show? Kris Aquino balik probinsya, nag-deactivate ulit sa IG

Super sad na naman ang mga fan ni Kris Aquino dahil tuluyan na siyang nag-deactivate sa Instagram. Kung noon ay naka-break lang siya, o hindi aktibo sa IG, na hindi nagpu-post ng mga bagong photo, video, quotation, ngayon ay hindi mo na nga matagpuan ang IG account ni Kristeta.

The post Anyare na TV5 show? Kris Aquino balik probinsya, nag-deactivate ulit sa IG first appeared on Abante.

anyare na tv5 show kris aquino balik probinsya nag deactivate ulit sa ig - Anyare na TV5 show? Kris Aquino balik probinsya, nag-deactivate ulit sa IG
Kris Aquino 4 - Anyare na TV5 show? Kris Aquino balik probinsya, nag-deactivate ulit sa IG

dondon sermino 6 - Anyare na TV5 show? Kris Aquino balik probinsya, nag-deactivate ulit sa IGSuper sad na naman ang mga fan ni Kris Aquino dahil tuluyan na siyang nag-deactivate sa Instagram. Kung noon ay naka-break lang siya, o hindi aktibo sa IG, na hindi nagpu-post ng mga bagong photo, video, quotation, ngayon ay hindi mo na nga matagpuan ang IG account ni Kristeta.

Naguguluhan na nga ang mga fan sa tunay na sitwasyon ni Kris, lalo na sa pagbabalik niya sa telebisyon via Love Life with Kris sa TV5. Nangungulit na ang mga fan kung tuloy pa ba ‘yon, o tuluyan na ngang nabasura.

Dapat sana ay noong August 15 nga ilo-launch ang TV show ni Kris, pero hindi nga natuloy, dahil hindi pa raw sila handa, at may konting problema pa sa mismong production team ng prodyuser ni Kris.

Umaasa ang mga fan na ngayong Setyembre ito mapapanood, pero Sept. 5, 6 na ngayon, wala pa ring balita.

Ayon sa isang taong malapit kay Kris, nasa Tarlac nga raw ito. At hindi muna nakikichika.

Well, sana nga ay mabigyang linaw na ang mga fan kung matutuloy pa ba ngayong Setyembre ang show ni Kris, o hindi na talaga.

***

Mga SEA singer nabaliw: Mga aso, pusa ni Jona nambulabog sa presscon

Sa virtual presscon (via zoom) ng kantang ‘Heal’ ay naloka, nagulat ang mga singer mula sa iba’t ibang panig ng mundo kay Jona. Kasi nga, dinig na dinig ang ingay ng mga hayop mula sa kinalulugaran ng singer.

At inamin nga ni Jona na napakarami niyang alagang aso, pusa, na umabot na sa kulang-kulang kuwarenta.

Anyway, magkakasama nga sa unang pagkakataon sina Jona, Jayda, Kyla, KZ Tandingan, Lesha, Moira Dela Torre, Xela, pati na ang mga singer sa Indonesia na sina Rinni Wulandari, Yura Yunita, ang grupong DOLLA at si Shalma Eliana ng Malaysia, Haneri at Haven ng Singapore, at si Valentina Ploy ng Thailand para sa awitin na “Heal.”

Handog ito ng ABS-CBN Music International, na ang mensahe ay pag-asa. Mapapakinggan ito sa lahat ng digital streaming platforms simula Setyembre 11 (Biyernes).

Ito ang unang proyekto na nagsama ang mga artist mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia, na layuning magbigay inspirasyon at pagmamahal para sa paggaling, pagbangon, at pagkakaisa ng mga tao laban sa pandemya.

Ang “HEAL” ay komposisyon nina Moophs, Alex Godinez aka Xela, at ng ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo na siya ring over-all producer nito.

Isa ring #StreamToDonate project ang kolaborasyon, dahil lahat ng mga nakibahaging mang-aawit ay piniling i-donate ang kanilang hati sa bayad at royalties para sa “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN, isang fund-raising campaign na hangaring maghatid ng tulong sa mga Pilipinong nawalan ng mapagkakakitaan dahil sa COVID-19 pandemic.

The post Anyare na TV5 show? Kris Aquino balik probinsya, nag-deactivate ulit sa IG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *