Anunsyo sa pagbubuntis ni Sarah inaabangan

Hindi pa rin malaman hanggang ngayon kung saan galing ang balitang lilipat si Sarah Geronimo sa GMA-7 na ilang araw na ngang pinagpipistahan. Pero wala rin kasing denial (or confirmation) ang Viva Artists Agency tungkol dito kaya naman siguro lalong lumalaki ang issue.

anunsyo sa pagbubuntis ni sarah inaabangan - Anunsyo sa pagbubuntis ni Sarah inaabangan
tonite sarah - Anunsyo sa pagbubuntis ni Sarah inaabangan

NI: Vinia Vivar

Hindi pa rin malaman hanggang ngayon kung saan galing ang balitang lilipat si Sarah Geronimo sa GMA-7 na ilang araw na ngang pinagpipistahan. Pero wala rin kasing denial (or confirmation) ang Viva Artists Agency tungkol dito kaya naman siguro lalong lumalaki ang issue.

Ang alam namin, sa tuwing malapit nang matapos ang contract ni Sarah G. sa ABS-CBN ay laging lumulutang ang ganitong balita. Ilang beses na rin yan during the past years na natsismis na lilipat na raw si Popstar Royalty sa kabila. Pero lagi rin namang napapatunayang hindi totoo dahil up to this day, she still remains a loyal Kapamilya since wala pa namang official announcement na lilipat siya.

Anyway, bukod sa “lipatan issue”, ang isa pang inaabangan ngayon ng lahat ay kung nakabuo ba ng baby ang mag-asawa sa katatapos lang na honeymoon.

Ang announcement ng pagbubuntis ni Sarah ang ikinae-excite rin ng mga AshMatt fan. Pero marami ring dapat isaalang-alang si Popstar if ever man na mag-decide na siya to have a baby. Kung may mga ine-endorse pa siyang produkto na hindi pang-mommy or pang-buntis, eh hindi pa siya pwedeng mabuntis.

Kaya wait and see na lang muna tayo sa mga susunod na kaganapan. (Vinia Vivar)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *