Anne super tili sa ‘lampungan’ kay Marco

Anne Curtis

Naloka si Anne Curtis sa mga sensitibong tanong sa kanilang dalawa ng leading man niyang si Marco Gumabao kaugnay sa lalabas nilang movie na “Just A Stranger” na dinirek ni Jason Paul Laxamana para sa Viva Films.

anne super tili sa lampungan kay marco - Anne super tili sa ‘lampungan’ kay Marco
anne curtis 1 - Anne super tili sa ‘lampungan’ kay Marco

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Anne super tili sa ‘lampungan’ kay MarcoNaloka si Anne Curtis sa mga sensitibong tanong sa kanilang dalawa ng leading man niyang si Marco Gumabao kaugnay sa lalabas nilang movie na “Just A Stranger” na dinirek ni Jason Paul Laxamana para sa Viva Films.

Bagama’t sanay na si Anne sa mga tanong na tumatalakay sa mga love scene o intimate scene dahil marami na rin naman siyang nagawa na sexy drama ang tema, nanibago lang daw siya dahil sampung taon ang agwat ng edad nila ni Marco.

Tili nang tili si Anne lalo na at napi-feel niya na ang tema ng usapan, tanungan ay parang siya ang umalalay, nag-alaga kay Marco sa sex scene, gayong sanay siya na siya ang inaalagan ng mga dati niyang leading men sa pelikula.

Inamin naman ni Anne na tinuruan niya sa ilang mga anggulo nila si Marco sa love scene. Dumaan na sila sa a­cting workshop bago nagsimula ang shoo-ting, kabilang na ang love scene, pero wala raw physical act, dahil sa shooting na ito mismo ginawa.

Nakaramdam ng excitement si Anne bago kunan ang love scene nila ni Marco, dahil baguhan pa kasi ang aktor. Pero aminado si  Anne na kinabahan siya sa magiging galaw nila.

Umaa-yaw si Anne na matawag na “tita” ni Marco. Mas pabor siya sa “Ate” na tawag sa kanya.

Anyways, tipid na magdetalye sina Anne at Marco, maging si Direk Paul sa controversial bed scene. Diretsa-hang sinabi ni Anne na parehong intense silang dalawa ni Marco sa eksena dahil sa pinangga-lingang kanya-kanyang conflict sa story.

Ara gusto nang magpaligaw

Ini-lunsad na ang makeup line ni Ara Mina sa Ever Bilena na “Ara Colours”. Dumalo sa event sina Diana Zubiri, Patricia Javier, Barbie Imperial, Sugar Mercado, Jaycee Parker, Carlene Aguilar at iba pa.

Sinabi ni Ara na hindi naging mahirap ang negosasyon at proseso ng pagpu-formulate ng mga makeup, partikular na ang lipstick dahil hands on siya sa project.

Hindi sinagot ni Ara ang tanong ng “Abantelliling” kung meron ba siyang financial share, pero sinagot ni Mr. Deo, ang CEO ng Ever Bilena, na hindi nila ni-require na mag-share ang seasoned actress.

Meron na lang itong porsyentong matatanggap sa benta ng kanyang produkto. Kahit abala si Ara sa kanyang pastry fastfood resto, maging sa kanyang career, bukas na bukas ang puso nito sa nagnanais na manligaw sa kanya.

‘Yun nga lang, wala pa raw sumusulpot na magpapatibok ulit ng kanyang puso, sa larangan ng pag-ibig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *